Sumigaw sila, “Amen, Hallelujah!” Pahayag 19:4
Kitang-kita ang kasiyahan sa kanilang mga tinig habang umaawit ang high school choir ng kantang Argentinian na “El Cielo Canta AlegrÃa.” Tuwang-tuwa akong pinakikinggan ang pagtatanghal ngunit hindi ko maintindihan ang lyrics dahil hindi ako marunong ng Espanyol. Ngunit hindi nagtagal ay nakilala ko ang isang pamilyar na salita habang ang choir ay nagsimulang masiglang magdeklara ng, “Aleluya!” Paulit-ulit kong narinig ang “Aleluya,” isang pahayag ng papuri sa Diyos na halos magkakatunog sa karamihan ng mga wika sa buong mundo. Sabik na malaman ang background ng kanta, nagpunta ako online pagkatapos ng konsiyerto at nalaman kong ang pamagat ay isinasalin bilang “Ang Langit ay Umaawit sa Galak.”
Sa isang masiglang talata sa Pahayag 19, binibigyan tayo ng isang sulyap sa realidad na ipinahayag sa kantang iyon—ang buong langit ay nagagalak! Sa pangitain ni apostol Juan tungkol sa hinaharap sa huling aklat ng Bagong Tipan, nakita niya ang isang napakalaking pagtitipon ng mga tao at mga anghel sa langit na nagpapahayag ng pasasalamat sa Diyos. Isinulat ni Juan na ang koro ng mga tinig ay nagdiriwang ng kapangyarihan ng Diyos na nagtagumpay laban sa kasamaan at kawalan ng katarungan, ang Kanyang paghahari sa buong mundo, at ang walang hanggang buhay na kasama Siya magpakailanman. Paulit-ulit, lahat ng nananahan sa langit ay nagdeklara ng “Hallelujah!” (talata 1, 3, 4, 6), o “Purihin ang Diyos!”
Isang araw ang mga tao “mula sa bawat lipi at wika at bayan at bansa” (5:9) ay magpapahayag ng kaluwalhatian ng Diyos. At sa tuwa, lahat ng ating mga tinig sa iba’t ibang wika ay sabay-sabay na sisigaw, “Hallelujah!”
No comments:
Post a Comment