Nang siya’y teenager pa, nawalan ng ina si Ryan dahil sa kanser. Naging palaboy siya at di nagtagal ay huminto sa pag-aaral. Nakaramdam siya ng kawalang pag-asa at madalas na nagugutom. Pagkaraan ng ilang taon, itinatag ni Ryan ang isang nonprofit na nagbibigay kapangyarihan sa iba, lalo na sa mga batang bata, na magtanim, mag-ani, at maghanda ng sarili nilang pagkain mula sa kanilang tanim. Ang organisasyon ay nakabatay sa paniniwala na walang sinuman ang dapat magutom at na ang mga mayroong anumang bagay ay dapat magmalasakit sa mga wala. Ang malasakit ni Ryan sa iba ay tumutugma sa puso ng Diyos para sa katarungan at awa.
Lubos na nagmamalasakit ang Diyos sa sakit at paghihirap na ating nararanasan. Nang makita Niya ang kakila-kilabot na kawalan ng katarungan sa Israel, isinugo Niya si propetang Amos upang tawagin ang kanilang pagpapaimbabaw. Ang mga taong minsang iniligtas ng Diyos mula sa pang-aapi sa Ehipto ay ipinagbibili na ngayon ang kanilang mga kapitbahay sa pagkaalipin sa isang pares ng sandalyas (Amos 2:6).
Ipinagkanulo nila ang mga inosente, ipinagkait ang katarungan sa mga inaapi, at tinapakan ang “mga ulo” ng mga mahihirap (tal. 6-7), habang nagkukunwaring sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng mga handog at banal na araw (4:4-5).
“Hanapin ang mabuti, hindi ang masama, upang kayo ay mabuhay,” pakiusap ni Amos sa mga tao. “Sa gayon, ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat ay sasainyo, gaya ng inyong sinasabi” (5:14).Tulad ni Ryan, ang bawat isa sa atin ay nakaranas ng sapat na sakit at kawalan ng katarungan sa buhay upang makaugnay sa iba at makatulong. Ang panahon ay hinog na para “hanapin ang mabuti” at makiisa sa Kanya sa pagtatanim ng bawat uri ng katarungan.
No comments:
Post a Comment