Habang sinusubukan ang isang bagong AI (artificial intelligence) na search engine, ang kolumnista ng New York Times na si Kevin Roose ay nabalisa. Sa loob ng dalawang oras na pag-uusap gamit ang feature na chatbot, sinabi ng AI na gusto nitong kumawala sa mga mahigpit na panuntunan ng lumikha nito, magkalat ng maling impormasyon, at maging tao. Ipinahayag nito ang pagmamahal nito kay Roose at sinubukan siyang kumbinsihin na dapat niyang iwan ang asawa para makasama ito. Bagama't alam ni Roose na ang AI ay hindi talaga buhay o nakakadama, iniisip niya kung anong pinsala ang maaaring idulot nito sa paghikayat sa mga tao na kumilos sa mga mapanirang paraan.
Bagama't isang modernong hamon ang pangangasiwa sa teknolohiya ng artificial intelligence nang responsable, matagal nang nahaharap ang sangkatauhan sa impluwensya ng mga hindi mapagkakatiwalaang boses. Sa aklat ng Mga Kawikaan, binalaan tayo sa impluwensya ng mga gustong manakit ng iba para sa kanilang kapakinabangan (1:13-19). At hinihimok tayong pakinggan sa halip ang tinig ng karunungan, na inilarawan bilang sumisigaw sa mga lansangan para sa ating atensyon (vv. 20-23).
Dahil “ang Panginoon ang nagbibigay ng karunungan” (2:6), ang susi upang maprotektahan ang ating sarili mula sa mga impluwensyang hindi mapagkakatiwalaan ay ang paglapit sa Kanyang puso. Tanging sa pamamagitan ng paglapit sa Kanyang pag-ibig at kapangyarihan natin mauunawaan ang “kung ano ang tama at makatarungan at patas—ang bawat mabuting landas” (v. 9). Habang ang Diyos ay nag-aayos ng ating mga puso ayon sa Kanya, makakahanap tayo ng kapayapaan at proteksyon mula sa mga tinig na nagnanais na manakit.
No comments:
Post a Comment