Wednesday, August 21, 2024

ANG ATING EPEKTO SA IBA

Nang mapansin ni Dr. Lee, ang aming propesor sa seminaryo, na malalate si Benjie, ang aming tagapangalaga sa paaralan, sa pagsali sa aming lunch gathering, tahimik niyang inihanda ang isang plato ng pagkain para sa kanya. Habang kami ng aking mga kaklase ay nagkukwentuhan, tahimik ding inilagay ni Dr. Lee ang huling piraso ng bibingka sa isang pinggan para sa kanya—dinagdagan pa ng gadgad na niyog bilang masarap na topping. Ang mabuting gawaing ito ng isang kilalang teologo ay isa sa marami—at para sa akin, isang sagisag ng katapatan ni Dr. Lee sa Diyos. Dalawampung taon na ang lumipas, ang malalim na impresyon na iniwan niya sa akin ay nananatili pa rin.
Mayroon ding mahal na kaibigan si apostol Juan na nag-iwan ng malalim na impresyon sa maraming mananampalataya. Binanggit nila si Gaius bilang isang tapat sa Diyos at sa mga Kasulatan, na patuloy na naglalakad sa “katotohanan” (3 Juan 1:3). Ipinakita ni Gaius ang kanyang pagkamapagpatuloy sa mga naglalakbay na mangangaral ng ebanghelyo, kahit na sila’y mga estranghero (tal. 5). Dahil dito, sinabi ni Juan sa kanya, “Ipinahayag nila sa iglesya ang tungkol sa iyong pag-ibig” (tal. 6). Ang katapatan ni Gaius sa Diyos at sa iba pang mananampalataya kay Jesus ay nakatulong sa pagpapalaganap ng ebanghelyo.
Ang epekto ng aking guro sa akin at ang epekto ni Gaius noong kanyang panahon ay makapangyarihang paalala na maaari tayong mag-iwan ng epekto sa iba—na maaaring gamitin ng Diyos sa pag-anyaya sa kanila kay Cristo. Habang tayo’y tapat na naglalakad kasama ang Diyos, magsagawa tayo ng mga bagay na makakatulong sa ibang mananampalataya na maglakad ng tapat sa Kanya rin.

No comments:

Post a Comment