Si Ellen ay kulang sa budget, kaya natutuwa siyang makatanggap ng Christmas bonus. Sapat na sana iyon, ngunit nang ideposito niya ang pera, nakatanggap siya ng isa pang sorpresa. Sinabi ng teller na bilang regalo sa Pasko ay idineposito ng bangko ang kanyang bayad sa mortgage noong Enero sa kanyang checking account. Ngayon sila ni Trey ay maaaring magbayad ng iba pang mga bayarin at pagpalain ang iba ng isang sorpresa sa Pasko!
May paraan ang Diyos para pagpalain tayo nang higit sa inaasahan natin. Si Naomi ay nalungkot at nasaktan sa pagkamatay ng kanyang asawa at mga anak (Ruth 1:20–21). Ang kanyang desperadong sitwasyon ay iniligtas ni Boaz, isang kamag-anak na nagpakasal sa kanyang manugang na si Ruth at naglaan ng tahanan para sa kanya at kay Naomi (4:10).
Maaaring iyon na ang sapat na pag-asa ni Naomi. Ngunit pagkatapos, binasbasan ng Diyos si Ruth at si Boaz ng isang anak na lalaki. Ngayon, may apo si Naomi na "magpapabago ng [kanyang] buhay at magbibigay lakas sa [kanyang] pagtanda" (v. 15). Sapat na sana iyon. Gaya ng sinabi ng mga babae sa Bethlehem, "May anak si Naomi!" (v. 17). Pagkatapos, lumaki si Obed at naging "ama ni Jesse, ang ama ni David" (v. 17). Ang pamilya ni Naomi ay naging bahagi ng royal line ng Israel, ang pinakamahalagang dinastiya sa kasaysayan! Sapat na sana iyon. Ngunit si David ay naging ninuno ni... Jesus.
Kung naniniwala tayo kay Cristo, nasa katulad na sitwasyon tayo ni Naomi. Wala tayong halaga hanggang sa Kanyang pagtubos sa atin. Ngayon, ganap tayong tinatanggap ng ating Ama, na nagpapala sa atin upang makapagpala din sa iba. Ito ay higit pa sa sapat.
No comments:
Post a Comment