Nabahala ang isang mail carrier matapos makitang natambak ang mail ng isa sa kanyang mga customer. .Alam ng kawani ng post office na ang matandang babae ay nakatirang mag-isa at karaniwang kinukuha ang kanyang sulat araw-araw. Sa isang matalino at mabuting desisyon, ibinahagi ng kawani ang kanyang pangangamba sa isa sa mga kapitbahay ng babae. Ipinagbigay-alam ng kapitbahay na ito sa isa pang kapitbahay, na may reserbang susi sa bahay ng babae. Nagsama-sama sila at pumasok sa bahay ng kanilang kaibigan, at doon nila natagpuan itong nakahiga sa sahig. Ang babae ay nahulog apat na araw na ang nakakaraan at hindi na makatayo o makatawag ng tulong. Ang karunungan, pag-aalala, at desisyon na umaksyon ng kartero ay malamang na nagligtas ng kanyang buhay.
Sinasabi ng Kawikaan, "ang taong marunong ay nagliligtas ng buhay" (11:30). Ang pang-unawa na nagmumula sa paggawa ng tama at pagpapakita ng karunungan ng Diyos ay maaaring pagpalain hindi lamang tayo kundi pati na rin ang mga taong ating nakakasalamuha. Ang bunga ng pagsasabuhay sa kung ano ang nagpaparangal sa Kanya at sa Kanyang mga paraan ay maaaring magbunga ng mabuti at nakakapreskong buhay. At ang ating bunga ay nagtutulak sa atin na mag-alala sa iba at magmasid para sa kanilang kabutihan.
Gaya ng iginiit ng manunulat ng Kawikaan sa buong aklat, ang karunungan ay matatagpuan sa pagtitiwala sa Diyos. Ang karunungan ay itinuturing na “mas mahalaga kaysa sa mga rubi, at walang anumang naisin ang maihahambing sa kanya” (8:11). Ang karunungan na ibinibigay ng Diyos ay nariyan upang gabayan tayo sa ating buong buhay. Maaaring ito'y maging daan upang maligtas ang isang buhay at magdala sa kaharian ng langit.
No comments:
Post a Comment