Nang ma-diagnose si Elaine na may advanced cancer, alam nila ng kanyang asawa, si Chuck, na hindi na magtatagal bago siya sumama kay Jesus. Pareho nilang pinahahalagahan ang pangako ng Awit 23 na sasamahan sila ng Diyos sa kanilang paglalakbay sa pinakamalalim at pinakamahirap na lambak sa kanilang limampu't apat na taon na magkasama. Nagkaroon sila ng pag-asa sa katotohanang handa na si Elaine na salubungin si Jesus, na naglagay ng kanyang pananampalataya sa Kanya ilang dekada na ang nakalilipas.
Sa memorial service ibinahagi ni Chuck na naglalakbay pa rin siya "sa libis ng lilim ng kamatayan" (Awit 23:4 nkjv). Nagsimula na ang buhay ng kanyang asawa sa langit. Ngunit ang "anino ng kamatayan" ay nasa kanya pa rin at kasama ng iba na lubos na nagmamahal kay Elaine.
Habang naglalakbay tayo sa lambak ng mga anino, saan natin makikita ang ating pinagmumulan ng liwanag? Ipinahayag ni apostol Juan na “Ang Diyos ay liwanag; sa kanya ay walang anumang kadiliman” (1 Juan 1:5). At sa Juan 8:12, ipinahayag ni Jesus: “Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay hindi kailanman lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng liwanag ng buhay."
Bilang mga mananampalataya kay Jesus, tayo ay “lumalakad sa liwanag ng [Kanyang] presensya” (Mga Awit 89:15). Nangako ang ating Diyos na kasama natin at magiging bukal ng liwanag kahit na tayo ay naglalakbay sa pinakamadilim na anino.
No comments:
Post a Comment