“Bakit ako may strawbering lollipop at siya ay ubas?” tanong ng aking anim na taong gulang na pamangkin. Maagang itinuro sa akin ng aking mga pamangkin na madalas ikumpara ng mga bata ang ibinibigay sa kanila sa natatanggap ng iba. Ibig sabihin, bilang mapagmahal na tita, kailangan kong magpamalas ng mabuting paghatol!
Ako rin ay minsang ikinumpara ang mga bagay na ibinibigay ng Diyos sa akin sa mga ibinibigay Niya sa iba. “Bakit ako meron nito at siya ay meron niyan?” tanong ko sa Diyos. Ang tanong ko ay nagpapaalala sa akin ng tanong ni Simon Pedro kay Jesus sa tabing dagat ng Galilea. Kakabigay lang ni Jesus ng pagpapanumbalik at pagpapatawad kay Pedro para sa dati niyang pagtanggi sa Kanya at ngayon ay sinasabi sa kanya na luluwalhatiin niya ang Diyos sa pamamagitan ng pagkamatay bilang isang martir (Juan 21:15-19). Sa halip na sumagot ng oo sa paanyaya ni Jesus na sumunod sa Kanya, gayunpaman, nagtanong si Pedro, “Panginoon, paano naman [si Juan]?” (v. 21).
Sumagot si Jesus, "Ano iyon sa iyo?" at idinagdag, “Dapat kang sumunod sa akin” (v. 22). Naniniwala akong ganoon din ang sasabihin sa atin ni Jesus. Kapag binigyan na Niya tayo ng direksyon sa isang lugar sa ating buhay, ninanais Niya ang ating pagtitiwala. Hindi natin ikukumpara ang ating landas sa landas ng iba, ngunit kailangan lang nating sundin Siya.
Sa loob ng mahigit tatlumpung taon, si apostol Pedro ay sumunod sa Diyos bilang isang matapang na pinuno ng unang simbahan. Ipinakikita rin ng mga rekord ng kasaysayan na walang takot niyang niyakap ang kamatayan sa ilalim ng masamang Emperador Nero. Nawa'y maging matatag din tayo at walang pag-aalinlangan sa pagsunod sa Diyos, na nagtitiwala sa Kanyang pagmamahal at patnubay.
No comments:
Post a Comment