Wednesday, April 19, 2023

Rent-a-Friend?

Para sa marami sa buong mundo, ang buhay ay nagiging mas malungkot. Ang bilang ng mga Amerikanong walang kaibigan ay naging x4 na mula noong 1990. Ang ilang mga bansa sa Europa ay may hanggang 20 porsiyento ng kanilang populasyon na nakakaramdam ng kalungkutan, habang sa Japan, ilang matatandang tao ang gumawa ng krimen upang sila ay makasama ng mga bilanggo sa kulungan.
Mayroong mga entrepreneurs na nag-isip ng "solusyon" sa epidemya ng kalungkutan na ito - ang rent-a-friend. Uupa ng may oras, ang mga taong ito ay makikipagkita sa iyo sa isang café upang mag-usap o samahan ka sa isang party. Tinanong ang isa sa mga "kaibigan" kung sino ang kanyang mga kliyente. "Ang mga nag-iisa, propesyonal na nasa edad na 30 hanggang 40 na taon," sabi niya, "na nagtatrabaho nang mahaba at walang oras na magkaroon ng maraming kaibigan."
Inilalarawan ng Eclesiastes 4 ang isang taong nag-iisa, walang “anak o kapatid.” "Walang katapusan" ang pagtatrabaho ng manggagawang ito, ngunit ang kanyang tagumpay ay hindi nakakatugon sa kanyang pangungulila."Para kanino ako nagpapakahirap . . . ?" tanong niya, na nagising sa kanyang kalagayan. Mas mainam na mag-invest sa mga relasyon, na magpapagaan ng kanyang trabaho at magbibigay ng tulong sa panahon ng kagipitan (vv. 9-12). Dahil sa huli, ang tagumpay na walang kaibigan ay "walang kabuluhan."
Sinasabi sa Eclesiastes na ang isang tali ng tatlong hibla ay hindi madaling mapuputol (v. 12). Ngunit hindi rin ito madaling mapapagawa. Dahil hindi maaaring umupa ng tunay na mga kaibigan, mag-invest tayo ng oras upang makabuo ng mga ito, na may Diyos bilang ating ikatlong hibla, na magbibigkis sa atin nang mahigpit.

No comments:

Post a Comment