Noong halos tatlong taong gulang pa lang ang aking anak, kailangan ko ng isang operasyon na magrerequire ng isang buwan o higit pang panahon para sa paggaling. Bago ang operasyon, inisip ko na ako ay nasa kama habang ang mga tambak na maruruming pinggan ay nagkukumpol sa lababo. Hindi ako sigurado kung paano ko aalagaan ang aktibong batang malikot at hindi ko maipinta ang aking sarili na nakatayo sa harap ng kalan para magluto ng aming mga pagkain. Kinatatakutan ko ang epekto ng aking kahinaan sa ritmo ng aming buhay.
Sinadya ng Diyos na pahinain ang mga puwersa ni Gideon bago harapin ng kanyang mga hukbo ang mga Midianita. Una, ang mga natakot ay pinayagang umalis—dalawampu't dalawang libong lalaki ang umuwi (Mga Hukom 7:3). Pagkatapos, sa sampung libo na naiwan, tanging ang mga sumalok ng tubig sa kanilang mga kamay upang inumin ang maaaring manatili. Tatlong daang lalaki na lamang ang natitira, ngunit ang kawalan na ito ay humadlang sa mga Israelita na umasa sa kanilang sarili (vv. 5–6). Hindi nila masabi, "Ang sarili kong lakas ang nagligtas sa akin" (v. 2).
Marami sa atin ang nakakaranas ng mga pagkakataon na nakakaramdam tayo ng pagkapagod at kawalan ng lakas. Nang mangyari ito sa akin, napagtanto ko kung gaano ko kailangan ang Diyos. Pinasigla Niya ako sa loob sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu at sa panlabas sa pamamagitan ng pagiging matulungin ng mga kaibigan at pamilya. Kinailangan kong bitawan ang aking kasarinlan sa loob ng ilang sandali, ngunit ito ang nagturo sa akin kung paano higit na manalig sa Diyos. . Dahil sa "ang kanyang kapangyarihan ay ganap na naipapakita sa kahinaan" (2 Mga Taga Corinto 12:9), may pag-asa tayo kahit hindi natin maaring punuan ang ating mga pangangailangan sa ating sariling kakayahan.
No comments:
Post a Comment