Bagaman labing-tatlong taong gulang pa lamang, hinarap ni DeAvion ang hamon na maglingkod sa iba. Narinig nila ng kanyang ina ang isang kuwento tungkol sa isang lalaki na nanawagan sa mga bata na magtabas ng limampung damuhan nang libre sa kanilang summer break. Ang kanilang pokus ay tulungan ang mga beterano, mga single mom, mga taong may kapansanan—o sinumang nangangailangan lang ng tulong. Ang tagapagtatag (na naggabas ng limampung damuhan sa limampung estado) ay lumikha ng hamon na ituro ang kahalagahan ng etika sa trabaho at pagbibigayan sa komunidad. Sa kabila ng init ng panahon at ng iba pang mga aktibidad na pwedeng gawin ng isang teenager sa tag-init, pinili ni DeAvion na maglingkod sa iba at nagawa niya ang hamon.
Ang hamon na maglingkod ay dumarating din sa mga mananampalataya kay Jesus. Sa gabi bago Siya mamatay para sa lahat ng tao, kumain si Jesus ng hapunan kasama ang Kanyang mga kaibigan (Juan 13:1–2). Alam na alam Niya ang pagdurusa at kamatayan na malapit Niyang makaharap, ngunit Siya ay bumangon mula sa pagkain, binalot ng tuwalya ang Kanyang sarili, at nagsimulang hugasan ang mga paa ng Kanyang mga disipulo (vv. 3–5). "Ngayong ako, ang inyong Panginoon at Guro, ay naghugas ng inyong mga paa, kayo rin ay dapat na maghugasan ng mga paa ng isa't isa," sabi Niya (v. 14).
Si Jesus, ang mapagpakumbabang Lingkod at ating halimbawa, ay nagmamalasakit sa mga tao: Pinagaling Niya ang mga bulag at maysakit, itinuro ang mabuting balita ng Kanyang kaharian, at ibinigay ang Kanyang buhay para sa Kanyang mga kaibigan. Dahil mahal ka ni Kristo, itanong mo sa Kanya kung sino ang gusto Niyang paglingkuran mo ngayong linggo.
No comments:
Post a Comment