Wednesday, April 26, 2023

Pabayaan Mo Na

Inilalarawan ng autobiographical Confessions ni Augustine ang kanyang mahaba at paikot-ikot na paglalakbay patungo kay Hesus. Sa isang pagkakataon, pumunta siya sa palasyo upang magbigay ng isang nakakapuri na talumpati para sa emperador. Nababahala siya sa kanyang mapanlinlang na mga linya ng palakpakan nang mapansin niya ang isang lasing na pulubi na "nagbibiro at tumatawa." Napagtanto niya na ang lasing ay mayroon nang anumang panandaliang kaligayahan na maaaring idulot ng kanyang pabagu-bagong karera, at sa mas kaunting pagsisikap. Kaya huminto si Augustine sa pagsusumikap para sa makamundong tagumpay.
Gayunman, siya ay nabihag pa rin ng kanyang kahalayan. Alam niya na hindi niya maaring lalapit kay Jesus nang hindi nagbabago at lumilisan sa kasalanan, at siya pa rin ay nakikipaglaban sa kanyang kahalayan. Kaya't nanalangin siya, "Bigyan Mo ako ng kabanalan... pero hindi pa ngayon.
Si Augustine ay patuloy na nangangapa, nahihirapan sa pagitan ng kaligtasan at kasalanan, hanggang sa sa wakas ay nagsawa na. Nahikayat siya ng mga taong nakatagpo na kay Jesus, kaya binuksan niya ang Bibliya sa Roma 13:13-14. "Magsilakad tayo nang marangal... huwag sa pagliligalig at paglalasing, huwag din sa kahalayan... kundi isuot ninyo ang Panginoong Jesus Christo, at huwag mag-ukol ng pansin sa mga nais ng laman."
Naging epektibo ang mga salitang iyon. Ginamit ng Diyos ang mga makapangyarihang salitang iyon upang maputol ang mga tanikala ng kahalayan kay Augustine at dinala siya "sa kaharian ng Anak...na siyang nagligtas sa atin, na nagpatawad sa atin sa ating mga kasalanan" (Colosas 1:13-14). Si Augustine ay naging obispo na patuloy na nililinlang ng kasikatan at kahalayan, ngunit ngayon ay alam na niya kung kanino lalapit kapag siya ay nagkasala. Lumapit siya kay Jesus. Ikaw, lalapit ka rin ba kay Jesus?

No comments:

Post a Comment