Habang naglalakad ako sa Scottish National Gallery, naakit ako sa malakas na paggamit ng brushes at sa mga matingkad na kulay ng isa sa mga larawang naglalarawan ng mga Punong Olive ng pintor na Dutch na si Vincent van Gogh. Maraming mga historyador ang naniniwala na ang likhang ito ay inspirado sa karanasan ni Hesus sa hardin ng Gethsemane sa Bundok ng mga Olive. Ngunit ang lalo kong napansin sa kahabaan ng kuwadro ng larawan ay ang mga munting patak ng pulang pintura sa gitna ng mga sinaunang mga kahoy.
Kilala bilang Bundok ng mga Olive dahil sa maraming mga puno ng olibo na matatagpuan sa tagiliran ng bundok, doon pumunta si Jesus upang manalangin sa gabing inihula Niya na ang kanyang alagad na si Judas ay magtatraydor sa Kanya. Napuno ng kalungkutan si Jesus dahil alam Niya na ang pagtatraydor ay magreresulta sa Kanyang pagpako sa krus. Habang Siya'y nananalangin, "ang Kanyang pawis ay tulad ng mga patak ng dugo na bumabagsak sa lupa" (Lucas 22:44). Kitang-kita ang kalungkutan ni Jesus sa hardin sa kanyang paghahanda sa sakit at kahihiyan ng publikong pagpapahirap na magreresulta sa pisikal na pag-agos ng Kanyang dugo noong Makalangit na Biyernes na yaon.
Ang pulang pintura sa painting ni Van Gogh ay nagpapaalala sa atin na si Jesus ay kailangang “magdusa ng maraming bagay at itakwil” (Marcos 8:31). Habang ang pagdurusa ay bahagi ng Kanyang kuwento, gayunpaman, hindi na ito nangingibabaw sa larawan. Ang tagumpay ni Jesus laban sa kamatayan ay nagbabago maging ang ating pagdurusa, na nagpapahintulot na ito ay maging bahagi lamang ng magandang tanawin ng ating buhay na Kanyang nilikha.
No comments:
Post a Comment