Ang Krubera-Voronja, sa bansang Eurasia ng Georgia, ay isa sa mga pinakamalalim na kuweba na nasuri pa sa planeta. Isang koponan ng mga manlalakbay ang nagsagawa ng pagsusuri sa madilim at nakakatakot na kalaliman ng halos puro patayo na mga kweba na umabot hanggang 2,197 metro—ito ay 7,208 talampakan pababa sa loob ng lupa! May mga katulad na kuweba, humigit-kumulang na apat na daan, na matatagpuan sa iba pang mga bahagi ng bansa at sa buong mundo. Mas marami pang mga kweba ang natutuklasan sa ngayon at mga bagong rekord sa kalalimang naaabot.
Ang mga hiwaga ng paglikha ay patuloy na bumubukas, nagbabago at nagdaragdag sa ating pang-unawa sa kalawakan na ating kinabibilangan at nagpapahiwatig sa atin ng mga kahanga-hangang likha ng kamay ng Diyos. Iniimbitahan tayo ng salmista na "umawit ng kagalakan" at "bumunyi" sa Panginoon dahil sa Kanyang kahalagahan (talata 1). Ang gawa ng paglikha ng Diyos—lahat ng ito, kahit na ito ay natuklasan na natin o hindi pa—ay dahilan upang tayo ay yumukod at sumamba.
Hindi lamang Niya alam ang malalawak, pisikal na mga lugar ng Kanyang nilikha; Alam din niya ang kaibuturan ng ating mga puso. At hindi katulad sa mga kuweba ng Georgia, dadaan tayo sa madilim at marahil nakakatakot na mga panahon sa buhay. Ngunit alam natin na pinanghahawakan ng Diyos kahit ang mga panahong iyon sa Kanyang makapangyarihan ngunit magiliw na pangangalaga. Sa mga salita ng salmista, tayo ay Kanyang bayan, ang “kawan na nasa ilalim ng kanyang pangangalaga”.
.
No comments:
Post a Comment