Monday, January 15, 2024

MATUTO SA MGA PAGKAKAMALI

Upang makatulong na maiwasan ang mga pagkakamali sa pananalapi sa hinaharap, tulad ng mga pagkakamali noong 1929 at 2008 na nagpabagsak sa ekonomiya ng mundo, itinatag ang Library of Mistakes sa Edinburgh, Scotland. Nagtatampok ito ng koleksyon ng higit sa dalawang libong aklat na makakatulong sa pagtuturo sa susunod na henerasyon ng mga ekonomista. At ito ay nagsisilbing perpektong halimbawa kung paano, ayon sa mga tagapangasiwa ng aklatan, "patuloy na gumagawa ng mga hangal na bagay ang matatalinong tao." Naniniwala ang mga tagapangasiwa na ang tanging paraan upang bumuo ng isang malakas na ekonomiya ay ang matuto mula sa mga naunang pagkakamali.
Pinaalalahanan ni Pablo ang mga taga-Corinto na ang isang paraan para maiwasang magpadala sa tukso at magkaroon ng matibay na espirituwal na buhay ay ang matuto mula sa mga pagkakamali ng bayan ng Diyos noong nakaraan. Kaya para matiyak na hindi sila labis na magtitiwala sa kanilang espirituwal na pribilehiyo, ginamit ng apostol ang mga kabiguan ng sinaunang Israel bilang isang halimbawa kung saan magkakaroon ng karunungan. Ang mga Israelita ay nakibahagi sa idolatriya, piniling “gumawa ng seksuwal na imoralidad,” nagreklamo tungkol sa mga plano at layunin ng Diyos, at naghimagsik laban sa Kanyang mga pinuno. Dahil sa kanilang kasalanan, naranasan nila ang Kanyang pagdidisiplina (1 Mga Taga-Corinto 10:7–10). Iniharap ni Pablo ang mga makasaysayang “halimbawa” na ito mula sa Kasulatan upang tulungan ang mga mananampalataya kay Jesus na maiwasang maulit ang mga pagkakamali ng Israel (v. 11).
Habang tinutulungan tayo ng Diyos, matuto tayo sa ating mga pagkakamali at sa mga nagawa ng iba upang magkaroon tayo ng puso ng pagsunod para sa Kanya.

No comments:

Post a Comment