Habang nakatayo sa kusina, bumulalas ang aking anak na babae, "Mom, may langaw sa honey!" Sumagot ako ng pabalang gamit ang kilalang kasabihan, "Mas madalas kang makakahuli ng langaw sa honey kaysa sa suka." Bagamat ito ang unang pagkakataon na (sa hindi sinasadya) kong nahuli ang isang langaw sa honey, napagtanto ko ang karunungan ng modernong kasabihang ito: ang mabait na mga kahilingan ay mas malamang na hikayatin ang iba kaysa sa isang mapait na saloobin.
Ang aklat ng Kawikaan ay naglalaan sa atin ng koleksyon ng mga matalinong kasabihan at kasaysayan na inspirasyon ng Espiritu ng Diyos. Ang mga inspiradong kasabihang ito ay nagtuturo sa atin ng mga importanteng katotohanan kung paano mabuhay ng naaayon sa paraan na nagbibigay pugay sa Diyos. Marami sa mga kasabihan ay nakatuon sa interpersonal na ugnayan, kabilang ang malalim na epekto ng ating mga salita sa iba.
Sa isang seksyon ng mga kawikaan na iniuugnay kay Haring Solomon, nagbabala siya laban sa pinsalang dulot ng pagsasalita ng kasinungalingan laban sa kapwa (Kawikaan 25:18). Pinayuhan niya na ang isang “mapanglinlang na dila” ay nagreresulta sa malungkot na mga relasyon (v. 23). Nagbabala si Solomon laban sa nakakapanghinayang epekto ng patuloy na paggamit ng mga nagrereklamong salita (v. 24). At hinikayat ng hari ang mga mambabasa na ang pagpapala ay dumarating kapag ang ating mga salita ay nagdadala ng mabuting balita (v. 25).
Habang hinahangad nating ipamuhay ang mga katotohanang ito, nasa atin ang Espiritu ng Diyos na tumutulong sa atin na magbigay ng “tamang sagot” (16:1). Dahil binigyan Niya ng kapangyarihan, ang ating mga salita ay maaaring maging matamis at nakakapagaan.
No comments:
Post a Comment