Tiniis ni Dan ang pang-araw-araw na pambubugbog mula sa iisang guwardiya ng bilangguan. Nadama niya ang tawag ni Hesus na mahalin ang taong ito, kaya isang umaga, bago magsimula ang pagbugbog, sinabi ni Dan, "Sir, kung araw-araw kitang makikita sa natitirang buhay ko, maging magkaibigan na lang tayo."Sabi ng guard, “Hindi po sir. Hinding hindi tayo pwedeng maging magkaibigan.”Nagpumilit si Dan at iniabot ang kanyang kamay.
Natigilan ang guwardiya. Nagsimula siyang manginig, pagkatapos ay hinawakan ang kamay ni Dan at hindi binitawan. Tumulo ang mga luha sa kanyang mukha. Sinabi niya, "Dan, ang pangalan ko ay Rosoc. Gusto kong maging kaibigan mo." Hindi binugbog si Dan ng guwardiya noong araw na iyon, o kahit kailan pa.
Ang Kasulatan ay nagpapayo sa atin, "Kapag ang iyong kaaway ay gutom, bigyan mo siya ng pagkain; kapag siya'y uhaw, bigyan mo siya ng tubig. Sa pamamagitan nito, iyong tutuyuin ang kaniyang ulo ng mga nagniningas na uling, at ang Panginoon ay gagantimpalaan ka" (Kawikaan 25:21–22). Ang imahe ng "uling" ay maaaring nagpapakita ng isang ritwal ng mga taga-Ehipto kung saan ipinapakita ng isang nagkasala ang kanyang pagsisisi sa pamamagitan ng pagdadala ng isang mangkok ng mga mainit na uling sa kanyang ulo. Gayundin, ang ating kabaitan ay maaaring magdulot ng hiya sa ating mga kaaway, na maaaring humantong sa kanilang pagsisisi.
Sino ang iyong kaaway? Sino ang hindi mo gusto? Natuklasan ni Dan na ang kabaitan ni Kristo ay sapat upang baguhin ang anumang puso—ang puso ng kanyang kaaway at ang kanyang sarili. Tayo rin ay magagawa ito.
No comments:
Post a Comment