Isang hindi kilalang Amerikanong suspek na nananatili sa parehong hotel kung saan nandoon din sina Eva Liu at Kelsey Chang ang nag-anyaya sa kanila na pumunta sa isang daan malapit sa Neuschwanstein Castle sa Germany. Pisikal na inatake umano ng suspek si Liu at nang subukang makialam ni Chang, sinakal niya ito at itinulak palabas ng bangin. Nakaligtas si Chang sa pagkahulog sa tulong ng isang punong nabali sa kanyang pagkahulog. Pagkatapos ay tinangka umano ng suspek na gahasain si Liu bago siya itinulak sa bangin.
Si Liu ay dinala sa isang ospital na may malubhang pinsala. Si Liu ay binawian ng buhay isang araw matapos ang pangyayari.Ang kanyang kaklase, si Kelsey Chang, ay nakaligtas sa pagkahulog na may maliliit na pinsala at nakitang kumapit sa isang natumbang puno. Si Kelsey Chang, ang nakaligtas na biktima, ay iniulat na nagpapagaling sa ospital noong Biyernes, ayon sa German media. Nabatid na ang dalawang turista ay nakatagpo ng suspek sa isang hiking tour malapit sa Marienbrücke at nagpasya na sumama sa kanila. Nakakulong na ang suspek at nahaharap sa kasong murder, attempted murder, at sexual assault. Napagmasdan ng saksi na nagngangalang Eric Abneri na may duguang mga gasgas sa mukha ang suspek at nanatiling tahimik habang inaresto ito ng mga pulis.
No comments:
Post a Comment