Nitong kamakailan, natagpuan ko ang aking sarili sa isang lugar na madalas kong makita sa mga pelikula at sa telebisyon ng hindi ko mabilang na beses: Hollywood, California. Doon, sa paanan ng Los Angeles, ang napakalaking puting mga titik na iyon ay buong pagmamalaki na nagmartsa sa sikat na gilid ng burol habang tinitingnan ko ang mga ito mula sa bintana ng aking hotel.
Pagkatapos ay napansin ko ang isa pang bagay: sa kaliwa ay isang pangunahing krus. Hindi ko pa nakita iyon sa isang pelikula. At noong ako'y lumabas ng aking kuwarto sa hotel, ilang mag-aaral mula sa isang lokal na simbahan ay nagsimulang ibahagi sa akin ang tungkol kay Jesus.
Maaari nating isipin kung minsan ang Hollywood bilang sentro lamang ng kamunduhan, na lubos na kaibahan sa kaharian ng Diyos.Ngunit malinaw na si Cristo ay nagtatrabaho doon, nagpapakita sa akin ng kanyang presensya na siyang nagdulot sa akin ng pagkamangha.
Laging nagugulat ang mga Pariseo sa mga lugar kung saan napupunta si Jesus. Hindi siya nakikipag-hang out sa mga taong inaasahan nila. Sa halip, sinasabi sa atin ng Marcos 2:13–17 na naglaan siya ng oras kasama ang "mga maniningil ng buwis at mga makasalanan" (talata 15), mga taong ang mga buhay ay tila sumisigaw, "Marumi!" Gayunpaman, naroon si Jesus, kasama ang mga taong pinaka-nangangailangan sa Kanya (mga talata 16–17).
Makalipas ang mahigit dalawang libong taon, patuloy na itinanim ni Hesus ang Kanyang mensahe ng pag-asa at kaligtasan sa mga hindi inaasahang lugar, kabilang sa mga hindi inaasahang tao. At tinawag at hinanda niya tayo upang maging bahagi ng misyong iyon.
No comments:
Post a Comment