Friday, June 23, 2023

Ina, Arestado Dahil sa Pagpatay sa 2 Bagong Silang na Sanggol

Isang babae ang dinala sa kustodiya dahil sa hinalang pumatay sa kanyang dalawang bagong silang na anak, ibinunyag ng Gyeonggi Nambu Provincial Police noong Miyerkules.
Ayon sa pulisya, isang babae na nasa edad 30 ang kinulong sa Suwon, Gyeonggi Province, matapos matagpuan ang bangkay ng dalawang sanggol sa kanyang refrigerator.
Ang mga bata ay ipinanganak noong Nobyembre 2018 at Nobyembre 2019, ngunit agad na pinatay at itinago ang kanilang mga katawan sa ref, ayon sa mga ulat. Sinabi umano ng suspek sa pulisya na pinatay niya ang mga sanggol dahil sa suliranin sa pinansyal.
Sinabi rin ng babae sa pulisya na "pinatay niya kaagad ang mga sanggol pagkatapos manganak."

No comments:

Post a Comment