"Hindi ko na maalala ang panahon na naging malusog si Inay Dorothy. Sa maraming taon bilang isang brittle diabetic, ang kanyang blood sugar ay magulo. Nagkaroon ng mga komplikasyon at ang kanyang mga nasirang bato ay nangangailangan ng permanenteng dialysis. Ang neuropathy at sirang buto ay nagresulta sa paggamit ng wheelchair. Ang kanyang paningin ay nagsimulang maglaho.
Ngunit habang binibigo ang kanyang katawan, mas lalo pang lumalakas ang kanyang buhay-panalangin. Ilang oras siyang nagdarasal para sa iba na malaman at maranasan ang pag-ibig ng Diyos. Ang mahahalagang salita ng Kasulatan ay lalong naging matamis sa kanya. Bago lumabo ang kanyang paningin, sumulat siya sa kanyang kapatid na si Marjorie na may kasamang mga salita mula sa 2 Corinto 4: “Hindi kami nanghihina. Bagama't sa panlabas ay nanghihina tayo, gayon pa man sa loob tayo ay binabago araw-araw” (v. 16).
Alam ni Apostol Pablo kung gaano kabilis mawala ang pag-asa. Ini-describe niya ang kanyang buhay bilang puno ng panganib, sakit, at kahirapan (2 Corinto 11:23–29). Gayunpaman, itinuring niya ang mga 'pagsubok' na ito bilang pansamantala lamang. At inihimok niya tayo na hindi lamang mag-isip tungkol sa mga bagay na nakikita natin, kundi pati na rin ang mga bagay na hindi natin nakikita—ang mga bagay na walang hanggan (4:17–18).
Kahit ano'ng mangyari sa atin, ang ating mapagmahal na Ama ay patuloy tayong binibigyan ng bagong lakas araw-araw. Ang Kanyang presensya sa atin ay tiyak. Sa pamamagitan ng biyayang panalangin, Siya ay tanging isang hinga lamang ang layo. At ang Kanyang mga pangako na palakasin tayo at bigyan ng pag-asa at kaligayahan ay nananatiling totoo."
No comments:
Post a Comment