Itinaas ko ang isang larawan ng mga taong natutulog sa ilalim ng mga piraso ng karton sa isang madilim na eskinita. "Ano ang kailangan nila?" Tinanong ko ang klase ko sa Sunday school sa ikaanim na baitang. "Pagkain," sabi ng isa. "Pera," sabi ng isa pa. "Isang ligtas na lugar," nag-iisip na sabi ng isang batang lalaki. Pagkatapos ay nagsalita ang isang batang babae: "Pag-asa"
"Ang pag-asa ay ang pag-aasam ng mga magagandang bagay na mangyayari," paliwanag niya. Natagpuan ko itong nakakapagtaka na siya'y nagsalita tungkol sa "pag-aasam" ng mga magagandang bagay kahit na sa mga pagsubok, madali nang hindi umasa ng magandang mga bagay sa buhay. Gayunpaman, ang Bibliya ay nagsasalita ng pag-asa sa paraang sang-ayon sa aking estudyante. Kung ang “pananampalataya ay pagtitiwala sa ating inaasahan” (Hebreo 11:1), tayong may pananampalataya kay Jesus ay makakaasa ng magagandang bagay na mangyayari.
Ano nga ba ang pangunahing mabuting bagay na maaring asahan ng mga mananampalataya kay Cristo?—"ang pangako na pumasok sa Kanyang kapahingahan" (4:1). Para sa mga mananampalataya, kasama sa kapahingahan ng Diyos ang Kanyang kapayapaan, pagtitiwala sa kaligtasan, pagtitiwala sa Kanyang lakas, at katiyakan ng isang tahanan sa langit sa hinaharap. Ang garantiya ng Diyos at ang kaligtasang iniaalok ni Jesus ay kung bakit ang pag-asa ay maaaring maging angkla natin, na humahawak sa atin nang mahigpit sa oras ng pangangailangan (6:18–20). Kailangan talaga ng mundo ng pag-asa: Ang totoo at tiyak na katiyakan ng Diyos na sa lahat ng mabuti at masamang panahon, Siya ang magwawakas at hindi tayo bibiguin. Kapag tayo'y nagtitiwala sa Kanya, alam nating itatama Niya ang lahat ng bagay para sa atin sa Kanyang panahon."
No comments:
Post a Comment