"Noong may impeksiyon sa mata si Mickey, araw-araw kong inilalagay ang patak sa kanyang mata. Agad siyang umuupo at tinitingnan ako ng may takot habang hinahanda ang sarili para sa paglagaslas ng likido. "Good boy," bulong ko. Kahit na hindi niya naiintindihan ang ginagawa ko, hindi siya tumatalon, nangungusap, kumakalmot sa akin. Sa halip, mas idinidiin niya ang sarili niya sa akin—ang taong naglagay sa kanya sa pagsubok. Alam niyang mapagkakatiwalaan niya ako.
Noong isinulat ni David ang Awit 9, malamang ay naranasan na niya ang pagmamahal at pagiging tapat ng Diyos. Lumapit siya sa Kanya para sa proteksiyon laban sa kanyang mga kaaway, at kumilos ang Diyos para sa kanyang kapakinabangan (mga talata 3-6). Sa mga oras ng pangangailangan ni David, hindi siya iniwan ng Diyos. Bilang resulta, natutunan ni David kung ano Siya — Siya ay makapangyarihan at matuwid, mapagmahal at tapat. Kaya't nagtiwala si David sa Kanya. Alam niyang maaari niyang pagkatiwalaan ang Diyos.
Inalagaan ko si Mickey sa ilang mga karamdaman mula noong gabing natagpuan ko siya bilang isang maliit, nagugutom na kuting sa kalye. Alam niyang mapagkakatiwalaan niya ako—kahit na ginagawa ko sa kanya ang mga bagay na hindi niya naiintindihan. Sa katulad na paraan, ang pag-alala sa katapatan ng Diyos sa atin at ang Kanyang karakter ay tumutulong sa atin na magtiwala sa Kanya kapag hindi natin maintindihan ang Kanyang ginagawa. Nawa'y patuloy tayong magtiwala sa Diyos sa mga mahirap na panahon sa buhay.
No comments:
Post a Comment