Sa taong 2001, nagulat ang mga doktor nang mabuhay ang isang premature na sanggol na may pangalang Christopher Duffley. Sa limang buwang gulang, pumasok siya sa foster care system hanggang sa ampunin siya ng pamilya ng kanyang tiyahin. Napagtanto ng isang guro na ang apat na taong gulang na si Christopher, kahit na bulag at na-diagnose na may autism, ay may perpektong pitch. Makalipas ang anim na taon sa simbahan, tumayo si Christopher sa entablado at kumanta ng, “Open the Eyes of My Heart.” Umabot sa milyon-milyong tao ang online ang video. Noong taong 2020, ibinahagi ni Christopher ang kanyang mga layunin na magsilbing tagapagtaguyod ng mga taong may kapansanan. Patuloy niyang pinapatunayan na walang hanggan ang mga posibilidad kung bukas ang mga mata ng kanyang puso sa plano ng Diyos.
Pinuri ni apostol Pablo ang simbahan sa Efeso para sa kanilang matapang na pananampalataya (Efeso 1:15–16). Hiniling niya sa Diyos na bigyan sila ng “Espiritu ng karunungan at paghahayag” para “mas makilala nila siya” (v. 17). Nanalangin siya na ang kanilang mga mata ay “maliwanagan,” o mabuksan, upang maunawaan nila ang pag-asa at pamana na ipinangako ng Diyos sa Kanyang mga tao (v. 18).
Habang hinihiling natin sa Diyos na ihayag ang Kanyang sarili sa atin, mas makikilala natin Siya at maipahayag ang Kanyang pangalan, kapangyarihan, at awtoridad nang may pagtitiwala (vv. 19–23). Sa pananampalataya kay Jesus at pagmamahal sa lahat ng mga tao ng Diyos, maaari tayong mamuhay sa mga paraan na nagpapatunay sa Kanyang walang limitasyong mga posibilidad habang hinihiling sa Kanya na patuloy na buksan ang mga mata ng ating mga puso.
No comments:
Post a Comment