Late ba ang driver sa pagdeliver ng iyong pagkain? Maaari mong gamitin ang iyong cellphone para bigyan siya ng one-star na rating. Hindi ba magalang ang tindera sa iyo? Maari kang magsulat ng kritikal na review sa kanya. Bagamat pinapayagan tayo ng mga smartphone na mag-shopping, makausap ang mga kaibigan, at iba pa, sila rin ay nagbibigay sa atin ng kapangyarihan na pampublikong mag-rate sa isa't isa. At maaari itong maging isang problema.
Ang pag-rate sa isa't isa sa ganitong paraan ay may problema dahil ang mga paghatol ay maaaring gawin nang walang konteksto. Mababa ang rating ng driver para sa late delivery dahil sa mga pangyayaring hindi niya kontrolado. Ang tindera ay nakakatanggap ng negatibong review kahit na siya ay nag-aalaga sa kanyang may-sakit na anak buong gabi. Paano natin maiiwasan na husgahan ang iba nang hindi makatarungan gaya nito?
Sa pamamagitan ng pagtulad sa katangian ng Diyos. Sa Exodo 34:6–7, inilalarawan ng Diyos ang Kanyang sarili bilang “mahabagin at mapagbiyaya”—ibig sabihin ay hindi Niya hahatulan ang ating mga kabiguan nang walang konteksto; “mabagal sa pagkagalit”—ibig sabihin, hindi siya magpo-post ng negatibong pagsusuri pagkatapos ng isang masamang karanasan; “sagana sa pag-ibig”—ibig sabihin ang Kanyang mga pagwawasto ay para sa ating ikabubuti, hindi para makaganti; at “pagpapatawad [sa] kasalanan”—ibig sabihin ang ating buhay ay hindi kailangang tukuyin ng ating isang star na rating. Dahil ang karakter ng Diyos ay dapat maging batayan ng ating karakter (Mateo 6:33), maaari nating iwasan ang kalupitan na maaaring dulot ng mga smartphone sa pamamagitan ng paggamit nito gaya ng ginagawa Niya.
Sa online age, lahat tayo ay maaaring magbigay ng malupit na rating sa iba. Nawa'y palakasin tayo ng Banal na Espiritu na magdala ng kaunting malasakit ngayon."
No comments:
Post a Comment