Ang pagsuko sa Diyos ay hindi ang mga nagsasarili ang tinutulungan; Siya ay tumutulong sa mga nagtitiwala at umaasa sa Kanya. Narealize ito ni Jonathan Roumie—ang aktor na gumanap bilang Hesus sa sikat na seryeng The Chosen, na batay sa Ebanghelyo—noong Mayo 2018. Sa loob ng walong taon na pamamalagi sa Los Angeles, halos walang pera, mayroong sapat na pagkain para sa araw na iyon lamang, at walang makuhang trabaho. Hindi alam kung paano makakaraos, kaya isinuko ng aktor ang kanyang karera sa Diyos. "Sa literal na [panalangin], ang mga salitang 'Ako'y sumusuko. Ako'y sumusuko," ang kanyang sinabi. Nang maglaon nang araw na iyon, nakahanap siya ng apat na tseke sa koreo at pagkaraan ng tatlong buwan, siya ay kinuha para sa papel ni Jesus sa The Chosen. Nalaman ni Roumie na tutulungan ng Diyos ang mga nagtitiwala sa Kanya.
Sa halip na mainggit at mabalisa sa mga “masasama” (Awit 37:1), inaanyayahan tayo ng salmista na isuko ang lahat sa Diyos. Kapag itinuon natin ang ating pang-araw-araw na gawain sa Kanya, “magtiwala sa [Kanya] at gumawa ng mabuti,” “magkaroon ng kagalakan sa [Kanya]” (vv. 3–4), at isuko sa Kanya ang lahat ng ating hangarin, problema, pagkabalisa, at araw-araw na mga kaganapan sa ating buhay, papatnubayan tayo ng Diyos at bibigyan tayo ng kapayapaan (vv. 5–6).Bilang mga mananampalataya kay Hesus, mahalaga para sa atin na hayaan Siyang itakda kung ano ang dapat sa ating buhay.
Mag-surrender tayo at magtiwala sa Diyos. Kapag ginawa natin ito, Siya ang kikilos at gagawa ng nararapat at makabubuti.
No comments:
Post a Comment