Pagkatapos kong maupo sa silid, komportableng lumulutang ang aking katawan sa ibabaw ng tubig, dumilim ang silid at tumahimik ang banayad na musika na tumutugtog sa background. Nabasa ko na ang mga isolation tank ay nakakapagbigay-ginhawa sa stress at anxiety. Ngunit ang experience na ito ay ngayon ko pa lang naranasan. Parang huminto ang kaguluhan sa mundo, at malinaw na naririnig ko ang kaloob-looban ko. Iniwan ako ng karanasan na ito na may kaluwagan at binuhay, na pinaalalahanan ako na may kapangyarihan sa katahimikan.
Sa katahimikan ng presensya ng Diyos, doon tayo makakapagpahinga nang lubos, at kanyang binibigyan tayo ng lakas at karunungan na kinakailangan natin upang harapin ang mga pagsubok sa bawat araw. Kapag tayo'y tahimik, at pinatatahimik ang ingay at inaalis ang mga abala sa ating buhay, pinapatatag niya tayo upang mas maingat nating marinig ang kanyang maamong tinig (Awit 37:7).
Habang ang mga sensory deprivation chamber ay tiyak na isang anyo ng katahimikan, ang Diyos ay nag-aalok sa atin ng isang mas simpleng paraan upang gumugol ng walang patid na oras kasama Siya.Sinasabi niya, "Pagka ikaw ay magdarasal, pumasok ka sa iyong silid, isara ang pinto, at manalangin ka sa iyong Ama" (Mateo 6:6). Gagabayan tayo ng Diyos sa ating mga hakbang at ipapahayag ang kanyang katuwiran sa atin nang maliwanag kapag hinahanap natin ang mga sagot sa mga hamon ng buhay sa katahimikan ng kanyang kahanga-hangang presensya (Awit 37:5–6).
No comments:
Post a Comment