Hindi trabaho ni James Warren ang paggawa ng mga upuan. Ngunit siya ay nagsimula sa paggawa ng mga ito nang kanyang mapansin ang isang babae sa Denver na nakaupo sa may putikan habang naghihintay ng bus. Ito ay "nakakababa ng dignidad," ayon sa pag-aalala ni Warren. Kaya't ang dalawampu't-walong-taong consultant sa trabaho ay naghahanap ng mga piraso ng kahoy, gumawa ng isang upuan, at inilagay ito sa may bus stop. Ito ay agad na ginamit ng mga tao. Narealize niyang marami sa siyudad nila ang walang mga upuan sa mga bus stop, kaya't gumawa siya ng isa pang upuan, at marami pang iba, kung saan inukit niya ang "Maging Mabait" sa bawat isa. Ang kanyang layunin? "Gawing mas magaan ang buhay ng mga tao, sa anumang paraan na magagawa ko," ay sabi ni Warren.
Ang pakikiramay ay isa pang paraan ng paglalarawan ng gayong pagkilos. Ayon sa prinsipyong isinagawa ni Jesus, ang pakikiramay ay isang malakas na damdamin na nagtutulak sa atin na kumilos upang matugunan ang pangangailangan ng iba. Nang habulin si Jesus ng maraming desperadong tao, “nahabag siya sa kanila, sapagkat sila ay parang mga tupang walang pastol” (Marcos 6:34). Ginawa Niya ang habag na iyon sa pagkilos sa pamamagitan ng pagpapagaling sa kanilang mga maysakit (Mateo 14:14).
Tayo rin ay dapat na “magbihis [sa ating sarili] ng habag,” hinimok ni Pablo (Colosas 3:12). Ano ang mga benepisyo? Ayon kay Warren, "Ito ay nagpupuno sa akin. Ito ang nagpapainit ng aking mga gulong."
Ang lahat sa paligid natin ay mga pangangailangan, at dadalhin ito ng Diyos sa ating atensyon. Ang mga pangangailangang iyon ay maaaring mag-udyok sa atin na isagawa ang ating pagkahabag, at ang mga pagkilos na iyon ay magpapasigla sa iba habang ipinapakita natin sa kanila ang pag-ibig ni Kristo.
No comments:
Post a Comment