Dalawang araw pa lang na nasa bakasyon ang may-ari ng bookstore na pinagtatrabahuhan ni Keith pero nagpapanic na si Keith na assistant niya. Maayos ang takbo ng operasyon, ngunit siya ay nag-aalala na hindi niya magagampanan nang maayos ang pagpapatakbo ng tindahan. Pero pinipilit niyang gawin ang kanyang makakaya.
"Stop it," sa wakas ay sinabi sa kanya ng kanyang amo sa isang video call. “Ang kailangan mo lang gawin ay sundin ang mga tagubilin na ini-email ko sa iyo araw-araw. Huwag kang mag-alala, Keith. Ang pasanin ay wala sa iyo; nasa akin."
Sa panahon ng pagtutunggali sa iba't ibang mga bansa, nakatanggap ng katulad na mensahe ang Israel mula sa Diyos: "Maging tahimik" (Awit 46:10). "Tumigil ka," sa kabuuan, ang sabi Niya, "sundan mo lamang ang aking sinasabi. Ako ang makikipaglaban para sa iyo." Ang Israel ay hindi sinabihan na maging pasibo o kampante kundi maging aktibo sa tahimik—na pagsunod sa Diyos nang tapat habang binibigyang kontrol ang sitwasyon at ipinauubaya sa Kanya ang mga resulta ng kanilang mga pagsisikap.
Tayo ay tinatawag na gawin ang pareho. At magagawa natin ito dahil ang Diyos na ating pinagkakatiwalaan ay may kapangyarihan sa mundo. Kung “itinaas niya ang kanyang tinig [at] natutunaw ang lupa,” at kung kaya Niyang “patigilin ang mga digmaan hanggang sa mga dulo ng lupa” (vv. 6, 9), kung gayon tiyak, maaari tayong magtiwala sa katiwasayan ng Kanyang kanlungan at lakas (v. 1). Ang pasanin ng kontrol sa ating buhay ay wala sa atin—ito ay nasa Diyos.
No comments:
Post a Comment