Pumunta si Natalia sa ibang bansa na may pangakong makakapag-aral siya. Ngunit ang ama sa kanyang bagong tahanan ay nagsimulang pisikal at sekswal na abusuhin siya. Pinilit siyang alagaan ang kanyang tahanan at mga anak nang walang bayad. PInagbawalan siyang lumabas o gamitin ang telepono. Siya ay naging kanyang alipin.
Si Hagar ay isang Egyptian na alipin nina Abram and Sarai. Walang gumamit ng pangalan niya. Tinawag nila siyang “aking alipin” o “iyong alipin” (Genesis 16:2, 5–6). Gusto lang nilang gamitin siya para magkaroon sila ng tagapagmana.
Ibang-iba ang Diyos! Ang anghel ng Panginoon ay unang nagpakita sa Banal na Kasulatan nang kausapin Niya ang isang buntis na si Hagar sa disyerto. Ang anghel ay maaaring mensahero ng Diyos o Diyos Mismo. Naniniwala si Hagar na Siya ang Diyos, dahil sabi niya, “Nakita ko na ngayon ang nakakakita sa akin” (v. 13). Kung ang anghel ay Diyos, maaaring ito ang Anak—ang Isa na naghahayag sa atin ng Diyos—na nagpapakita ng maaga, bago pa ang kanyang pagkabuhay sa lupa. Sinabi niya ang kanyang pangalan, “Hagar, alipin ni Sarai, saan ka nanggaling, at saan ka pupunta?”
Nakita ng Diyos si Natalia at dinala Niya ang mga mapagkalingang tao sa kanyang buhay na nagligtas sa kanya. Siya ngayon ay nag-aaral upang maging isang nurse. Nakita ng Diyos si Hagar at tinawag Niya siya sa kanyang pangalan. At nakikita ka ng Diyos. Maaring ikaw ay hindi napapansin o mas masama pa, inaabuso. Tinatawag ka ni Hesus sa pangalan mo. Tumakbo ka sa Kanya.
No comments:
Post a Comment