Ang isang kaibigan ko ay nagtatrabaho sa isang hospital na barko na tinatawag na Africa Mercy, na nagbibigay ng libreng serbisyo ng pangangalaga sa kalusugan sa mga developing countries. Ang mga kawani araw-araw ay nagsisilbi sa daan-daang mga pasyente na hindi kayang ipaggamot ang kanilang karamdaman
Ang mga TV crew na pana-panahong sumasakay sa barko, itinutok ang kanilang mga camera sa kamangha-manghang mga medical staff nito, na nag-aayos ng mga cleft palate at nag-reset ng club feet. Minsan sila ay pumunta sa ibaba ng kubyerta upang interbyuhin ang iba pang mga tripulante, ngunit ang gawaing ginagawa ni Mick ay karaniwang hindi napapansin.
Si Mick, isang inhinyero, inamin na siya ay nagulat nang malaman niya kung saan siya naatasang magtrabaho - sa sewage plant ng barko. Sa hanggang apatnapung libong litro ng basura na nagagawa bawat araw, ang pamamahala sa nakakalason na materyal na ito ay seryosong negosyo. Kung hindi inaalagaan ni Mick ang mga tubo at bomba nito, titigil ang mga operasyong nagbibigay-buhay ng Africa Mercy.
Madaling purihin ang mga nasa “top deck” ng ministeryong Kristiyano habang tinatanaw ang mga nasa mga galera sa ibaba. Nang itaas ng mga taga-Corinth ang mga may espesyal na biyaya sa ibabaw ng iba, ipinaalala ni Pablo sa kanila na bawat mananampalataya ay may papel sa gawain ni Cristo (1 Corinto 12:7–20), at bawat biyaya ay mahalaga, maging ito ay kamangha-manghang pagpapagaling o pagtulong sa iba (vv. 27 –31). Sa katunayan, mas mataas na pagpapahalaga ang nararapat para sa mga hindi gaanong kilalang papel (mga bersikulo 22–24).
Ikaw ba ay isang "lower deck" na tao? Itaas mo ang iyong ulo. Ang iyong trabaho ay pinararangalan ng Diyos at mahalaga para sa lahat sa atin.
No comments:
Post a Comment