Ang makata na si William Cowper ay nakipaglaban sa depresyon sa halos buong buhay niya. Pagkatapos ng isang pagtatangka sa buhay, siya ay inilagay sa isang asylum. Ngunit doon, sa pamamagitan ng pangangalaga ng isang Kristiyanong doktor, natutunan ni Cowper ang mainit at buhay na pananampalataya kay Jesus. Di-nagtagal, nakilala ni Cowper ang pastor at tagasulat ng mga awit na si John Newton, na hinihimok siya na makipagtulungan sa paggawa ng isang himnaryo para sa kanilang simbahan. Isa sa mga awit na isinulat ni Cowper ay ang "God Moves in a Mysterious Way," na naglalaman ng mga salitang ito na mula sa hurno ng karanasan: “You fearful saints, fresh courage take; the clouds you so much dread, are big with mercy and shall break in blessings on your head.”
Tulad ni Cowper, nakilala rin ng mga tao ng Juda ang kabaitan ng Diyos nang hindi inaasahan. Habang ang isang alyansa ng mga hukbo ay sumalakay sa kanilang bansa, tinipon ni Haring Jehosapat ang mga tao para sa panalangin. Habang ang hukbo ng Juda ay lumalabas, ang mga lalaki sa harapang hanay ay nagpupuri sa Diyos (2 Cronica 20:21). Ang mga sumalakay na mga hukbo ay nagkagulo sa isa't isa, at "walang isa . . . ang nakaligtas. . . . Mayroong napakaraming nasamsam na kailangan ang tatlong araw upang makuha ito" (vv. 24-25).
Sa ikaapat na araw, ang mismong lugar kung saan nagtipon ang isang mapanlaban na puwersa laban sa bayan ng Diyos ay tinawag na Lambak ng Berakah (v. 26)—sa literal, “ang lambak ng papuri” o “pagpapala.” Anong pagbabago! Ang awa ng Diyos ay maaaring gawing mga lugar ng papuri maging ang ating pinakamahihirap na lambak habang ibinibigay natin ang mga ito sa Kanya.
No comments:
Post a Comment