Ang kaibigan kong si Raleigh ay patungo na sa kanyang ika-walumpu't limang kaarawan! Mula noong una kong pakikipag-usap sa kanya mahigit tatlumpu't limang taon na ang nakalilipas, naging mapagkukunan siya ng inspirasyon. Nang banggitin niya kamakailan na mula nang magretiro ay nakakumpleto siya ng isang manuskrito ng libro at nagsimula ng isa pang hakbangin sa ministeryo—naintriga ako ngunit hindi nagulat.
Sa otsenta'y singko, si Caleb sa Bibliya ay hindi rin handang huminto. Ang kanyang pananampalataya at debosyon sa Diyos ay nagtaguyod sa kanya sa mahabang panahon ng pamumuhay sa ilang at sa mga digmaan upang tiyakin ang mana na ipinangako ng Diyos sa Israel. Sinabi niya, “Ako ay malakas pa rin ngayon gaya ng araw na isinugo ako ni Moises; Ako ay kasing lakas na humayo sa pakikipagdigma ngayon gaya ng dati” (Josue 14:11). Paano niya ito magagawa? Ipinahayag ni Caleb na sa pamamagitan ng “pagtulong ng Panginoon sa akin, palalayasin ko sila gaya ng sinabi niya” (v. 12).
Anuman ang edad, yugto sa buhay, o kalagayan, tutulungan ng Diyos ang lahat ng buong puso na nagtitiwala sa Kanya. Sa pamamagitan ni Jesus, ang ating Tagapagligtas na tumutulong sa atin, ang Diyos ay ipinakita. Ang mga aklat ng Ebanghelyo ay nagbibigay inspirasyon sa pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng nakikita natin kay Kristo. Ipinakita niya ang pangangalaga at pagkahabag ng Diyos sa lahat ng umaasa sa Kanya para sa tulong. Gaya ng pag-amin ng manunulat ng Hebreo, “Ang Panginoon ang aking katulong; hindi ako matatakot” (Hebreo 13:6). Bata o matanda, mahina o malakas, nakagapos o malaya, tumatakbo o napipiya—ano ang pumipigil sa atin sa paghingi ng tulong sa Kanya ngayon?
No comments:
Post a Comment