Sunday, October 11, 2020

Mga Single na Korean Celebrities at ang Kanilang Mga Ex-Lovers

Mga 30yrs old above lang ang inilagay dito dahil sila naman ay marrying age na.

Lee Min Ho - 33 yrs old
Ex-Girlfriend:

Park Min-young
Ang aktress na gumanap na Kim So Mi sa What's Wrong With Secretary Kim ay ang first official at confirmed girlfriend ni Lee Min Ho mula ng sumikat siya. Nakasama niya dati sa drama na I'm Sam si Min-young noong 2007 pero sa pagtatambal nila sa City Hunter noong 2011 sila nagkaigihan at nagkaroon ng relasyon. Nagtagal ang kanilang relasyon ng 8 months at dahil daw sa busy sila sa kani-kanilang schedule ang rason ng hiwalayan.

Bae Suzy
Noong 2015, unang nabalitaan mula si Dispatch ang ugnayan sa pagitan nina Suzy at Lee Min Ho sa pamamagitan ng isang serye ng mga larawang nakunan habang sila ay nagda-date. Inamin naman ng mga agency nila na totoo nga ang balita at sila na nga. Mula sa sandaling iyon, ang couple ay nagsimulang maging maingat at halos hindi na sila nakitang magkasama sa public, ngunit nagtagal naman ng 3 years ang kanilang relasyon. Mga activities din daw sa trabaho ang dahilan ng hiwalayan ngunit may mga ilan ang nagsabi na nagtaksil daw ang babae.





Song Hye-kyo - 38 yrs old
View this post on Instagram

코로나19 위기 극복을 위해 밤낮을 잊고 애쓰시는 의료진 여러분들의 희생과 노고에 진심으로 감사드립니다. 이민정 씨의 지목을 받아 의미 있는 챌린지에 동참하게 되었습니다. 다음으로 이어가실 분들은 회사 식구들인 손석우(@bhent_boss) 찰스(@charles.pak ) 강정우(@kkangjeongwoo)입니다. #덕분에챌린지 #덕분에캠페인 #의료진덕분에

A post shared by LeeByungHun 이병헌 (@byunghun0712) on


Lee Byung-hun
Si Lee Byung-hun ang first official confirmed boyfriend ni Song Hye-kyo. Nagsama sila sa dramang All In ng SBS noong 2003. Sa kabila ng 12 taong agwat, ang couple ay may good chemistry, kaya naging popular ang drama at nakapagtala ng higit sa 47 percent na viewership. Hindi tulad ng maraming celebrity, sina Song at Lee ay hindi nahihiya na ipahayag sa publiko ang kanilang nararamdaman sa isa't isa. Naghiwalay sila matapos ang 21 months na relasyon.

Hyun Bin
Unang nagsama sina Hyun Bin at Song Hye-kyo sa drama sa KBS2 na The World They Live In noong 2008. Sa kabila ng mga tsismis, na sila na, hindi opisyal na kinilala ng couple ang kanilang relasyon hanggang Agosto 2009. Gayunpaman, sinabi ng kanilang mga ahensya, ang AM Entertainment at Eden Nine Entertainment, na naghiwalay ang magkasintahan bago pumasok si Hyun para sa military service noong Marso 2011.

Song Joong-ki
Tinaguriang Song-Song couple, nagkita ang dalawa noong 2016 bilang lead stars sa drama ng KBS2 na Descendants of the Sun. Pinuri ng mga fans ang kanilang kasal dahil mas maganda pa sila sa totoong buhay kesa sa drama. Sinabi ng Korean media na ang seremonya ay ang pinakamagandang kasal, at naniniwala ang mga fans ng K-drama na si Song Joong-ki ang huling lalaki sa buhay ni Song Hye-kyo. Gayunpaman, ang pag-asa ng mga fans ay nawala. Ang diborsyo ng mag-asawa ay nakumpirma noong Agosto nang inaprubahan ng korte ang petisyon ni Song Joong-Ki nang walang paglilitis dahil sa mutual consent condition.





Hyun Bin - 38 yrs old
Song Hye-kyo

Kang Sora
Si Hyun Bin at Kang Sora ay nagsimulang mag-date noong kalagitnaan ng Disyembre 2016. Kinumpirma ito sa pamamagitan ng press realease ng kanilang agency. Naghiwalay ang dalawa noong December 2017.





Gong Hyo-jin - 40 yrs old

Ryoo Seung-bum
On and off ang relasyon ni Gong Hyo-jin at Ryoo Seung-bum na nagsimula noong 2001 hanggang 2012.


Lee Jin-wook
Umabot ng 3 months ang relasyon ni Hyo-jin at Jin-wook.





Lee Seung-gi - 33 years old

Im Yoon-ah
Almost 2 years din ang naging girlfriend ni Seung-gi si Yoona at naghiwalay sila noong 2015.





Ku Hye-sun - 35 yrs old

Ahn Jae-hyun
Nagkatrabaho sina Koo at Ahn sa 2015 KBS2 drama na Blood. Nagpakasal sila noong Mayo 2016. Nag-file si Ahn ng diborsyo noong Setyembre 2019.





Lee Joon-gi - 38 years old

Jeon Hye Bin
Sa pagsisimula ng 2017, ang entertainment industry sa Korea ay halos nagulat nang iniulat ng media na si Lee Joon-gi at ang co-star na si Jeon Hye Bin ay may lihim na relasyon sa loob ng 2 taon. Gayunpaman, pagkatapos lamang ng 4 na buwan ng pagkumpirma ng kanilang relasyon, nagpasya sina Jeon Hye Bin at Lee Joon-gi na maghiwalay dahil sa kanilang busy schedule.




Lee Sung-kyung - 30 yrs old

Nam Joo Hyuk
Noong Abril 24, 2017, naglabas ang Dispatch ng isang serye ng mga larawan sa date nina Lee Sung Kyung at Nam Joo Hyuk. Mabilis na kinumpirma ng YG Entertainment,at inanunsyo na ang beloved couple mula sa dramang Weightlifting Fairy Kim Bok-Joo ay opisyal na may relasyon. Nagsimula ito noong Enero 2017 at hindi inaasahan na naghiwalay sila noong Agosto 2017.





Lee Dong-wook - 38 yrs old

Marami ang nagulat at isa na ako doon sa balitang may ugnayan sila na inihayag noong Marso 2018. Ito ang unang relasyon na kinumpirma ni Lee Dong-wook mula noong pinasok niya ang showbiz noong 1999. Nakita sina Lee Dong-wook at Suzy na nagde-date sa Cheongdam-dong. Sinabi ng nakasaksi na si Lee Dong-wook ay maingat daw kay Suzy, na nagpapahiwatig na sila na nga. Isang malapit na kaibigan nilang dalawa ang nagsabi na bago sumiklab sa publiko ang kanilang iskandalo, ay madalas na silang namataan na magkasama sa publiko, pagpunta sa isang cafe, at iba pang mga lugar. Maraming mga netizen ang hindi nasiyahan sa relasyon nina Lee Dong-wook at Suzy dahil sa 13-taong agwat nila. Bukod dito, natuklasan nila na pinili ni Suzy si Lee Dong-wook bilang kanyang ideal man mula pa noong debut sa Miss A noong 2010. Sa kasamaang palad, nagpasya sina Lee Dong-wook at Suzy na maghiwalay dahil sa abala sa kanilang iskedyul.




Han Ye-seul - 39 yrs old

Teddy Park
Sina Han Ye Seul at Teddy, na ang tunay na pangalan ay Park Hong Joong, ay nagsimulang mag-date noong May 2013, pagkatapos magkakilala sa pamamagitan ng isang mutual friend. Bago pa man nila isa-publiko ang relasyon, ito ay alam na sa buong YG Entertainment. Sa SBS Actors Award noong 2014, ipinahayag ni Han Ye Seul sa publiko ang pagmamahal niya kay Teddy sa kayang acceptance speech. Tumagal nang halos 4 years ang kanilang relasyon.





Jo In-sung - 39 yrs old

Kim Min-hee
Mga agency ng dalawang celebrity ang nag-announce ng relasyon ni Min-hee at In-sung. 15 months na pala ang kanilang relasyon ng naconfirm ito sa public. Ngunit pagkatapos ng 18 buwan na romance, bandang Setyembre 2014, inihayag ng agency na naghiwalay na ang couple.





Song Ji-hyo - 39 yrs old

Baek Chang Joo
Inamin ni Song Ji Hyo noong February ng 2012 na nakikipag-date siya kay Baek Chang Joo at 3 months na sila noon. Gayunpaman, noong Hulyo 2015, inihayag na naghiwalay sila at hindi na siya nagtatrabaho para sa CjeS Entertainment, ang kumpanya na pagmamay-ari ng kanyang ex-boyfriend.





Song Seung-heon - 44 yrs old

Sung Yu-ri
Naging girlfriend ni Seung-heon si Yuri mula October 2002 hanggang June 2003.

Liu Yifei
Nagkatrabaho sina Yifei at Seung-heon noong 2015 sa The Third Way of Love kung saan nabuo ang kanilang pagmamahalan. Ngunit noong 2018, naghiwalay ang couple pagkalipas ng 3 taon mula nang ipahayag sa publiko ang kanilang relasyon.





Shin Se Kyung - 30 yrs old

Jong Hyun
Naging magkarelasyon sina Se-kyung at Jong Hyun ng SHinee noong October 2010 hanggang June 2011. Pumanaw si Jong Hyun noong December 2017 sa carbon monoxide poisoning.





Seo In Guk - 32 years old

Park Bo Ram
Parehong dating mga kalahok ng "Superstar K," sina Seo In Guk at Park Bo Ram ay nagsimulang mag-date noong 2016 at nakumpirma ang kanilang relasyon noong Disyembre 2017. Naghiwalay ang dalawa matapos ang 2 taon.





Yoo In-na - 38 yrs old

Ji Hyun-woo
Sinimulan siyang ligawan ni Ji Hyun-woo, isa pang artista sa South Korea, matapos silang makasama sa serye ng TV drama, ang Queen In hyun's Man noong 2012. Matapos ang shooting ng drama, biglang inihayag ni Ji sa publiko ang kanyang nararamdaman para sa kanya, na isang malaking sorpresa sa kanilang mga tagahanga. Hindi nagtagal ay nagsimula sila ng isang seryosong relasyon. Makalipas ang dalawang buwan, pumasok si Ji Hyun-woo sa military service ng South Korea, ngunit napanatili nila ang kanilang relasyon sa loob ng halos dalawang taon sa halip na maghiwalay, na nagpahanga sa marami sa kanilang mga tagahanga. Ayon sa mga balita naghiwalay sila bago pa man malabas sa military service si Hyun-woo.





Kim Bum - 31 yrs old

Moon Geun Young
Noong Nobyembre 1, 2013, kinumpirma ng mga representative at agency ni Kim Bum at Geun Young na may relasyon sila. Nagsimula silang madevelop sa isa't-isa sa shooting ng MBC’s Goddess of Fire, Jung-Yi. Nagsimula silang mag-date sa simula ng Oktubre 2013 nang si Kim Bum ay 24 taong gulang at si Moon Geun Young ay 26 taong gulang. Matapos ang 7-month relationship ay naghiwalay sila noong May 15, 2014.



Oh Yeon Seo
Inamin nina Oh Yeon Seo at Kim Bum na may relasyon sila noong March 2018. Sinasabing nakilala nila ang isa't isa matapos ang pagtatapos ng "Hwayugi," ng tvN na pinagbidahan ni Oh Yeon Seo, sa pamamagitan ng isang pagtitipon. Noong Feb. 13, 2019 lumabas ang balita na hiwalay na sila.




No comments:

Post a Comment