Wednesday, October 7, 2020

Kilalanin si Maci Currin ang May Pinakamahabang Legs na Babae sa Mundo

 






































Si Maci Currin mula sa Texas ay may kanang binti na 134.3cm ang haba at isang kaliwang binti na 135.3cm ang haba. May height na 6ft 10in at hanggang sa maalok siya ng isang pasadyang ginawa na pares ng leggings dalawang taon na ang nakakaraan na narealize niya na maaaring magkaroon siya ng record-breaking na leg. 
 

Sinabi ng 17-taong-gulang na ang kanyang mensahe sa mga taong may hindi pangkaraniwang mga katangiang pisikal ay "huwag itago ito - yakapin ito" at inaasahan niyang ang kanyang record title ay magbibigay inspirasyon sa iba pang matangkad na kababaihan. 

Mahirap para kay Maci ang dumaan sa ilang mga pintuan, sa kotse, at sa mga pananamit. Ngunit advantage daw ito sa kanya kapag naglalaro siya ng basketball. 

Ayon sa Guinness World Records, nais ni Maci na pumasok sa unibersidad sa UK. Naagaw ni Maci ang record na ito mula kay Ekaterina Lisina ng Russia.
Ngunit, sa kabila ng kanyang mahahabang binti, ay malayo siyang maging pinakamataas na babae, dahil ang record na ito ay hawak ni Sun Fang mula sa China, na may height na 7ft 3in.

No comments:

Post a Comment