Monday, October 19, 2020

May Nagbago Ba: Moon Embracing the Sun Cast After 8 Years


Yeo Jin-goo as 15-year-old Lee Hwon
Bumida si Jin-goo noong 2019 sa remake ng isang Korean film na Masquerade, na pinamagatang The Crowned Clown. Ang serye ay naging commercial success at nanguna sa mga ratings. Sa parehong taon, napalabas ang popular drama na Hotel de Luna. Sa ngayon kabilang si Jin-goo sa reality show na House on Wheels.






Kim Soo-hyun as Crown Prince / King Lee Hwon

Bumida si Kim Soo-hyun ngayong 2020 sa It's Okay Not to be Okay pagkatapos ng kanyang military enlistment. Hindi masyadong nag-click sa Korean ang dramang ito kung ikukumpara sa mga nauna na niyang pinagbidahan na drama. Pero patok naman ito sa mga kabataan at lalong lalo na sa ibang bansa kung saan isa ito sa pinakapopular drama sa Netflix ngayong 2020.





Kim Yoo-jung as 13-year-old Heo Yeon-woo
Kasama ni Kim Yoo-jung si Ji Chang-wook sa dramang Backstreet Rookie ngayong 2020. Ito ay \batay sa isang webtoon na may parehong pamagat. Ginampanan niya ang papel ng isang dating school bully na naging isang part-time na empleyado sa isang convenience store.





Han Ga-in as Heo Yeon-woo
Huling napanood si Han Ga-in sa Mistress noong 2018. Ipinananganak niya noong May 13, 2019, ang kanyang pangalawang anak na isang lalaki.





Lee Tae-ri as young Yang-myung
Nag-cameo si Tae-ri sa isang hollywood film na Anastasia: Once Upon a Time bilang isang prince sa Asia. Kasama si Lee Tae-ri sa Extraordinary You noong 2019 bilang gwapo at mysterious na school cafeteria cook.





Jung Il-woo as Prince Yang-myung

Noong 2019, si Jung ay nagbida sa makasaysayang action drama na Haechi. Ito ang kanyang unang proyekto pagkatapos ng military enlistment. Bumida rin siya sa Sweet Munchies ngayong 2020 bilang chef na nagpanggap na bakla para makakuha ng programa sa tv.





Kim So-hyun as young Yoon Bo-kyung
Bumida si Kim sa successful Netflix series na Love Alarm na magkakaroon ng Season 2 sa 2021. Bibida rin siya sa The Moon Rising River bilang female general.





Kim Min-seo as Yoon Bo-kyung

Noong Mayo 17, 2018 ikinasal si Kim Min Seo sa kanyang non-celebrity husband sa isang simbahan sa Seoul. Matapos ang kasal ay nanirahan na sila sa USA kung saan ang kanyang asawa ay nagtatrabaho para sa isang sports agency.





Yim Si-wan as 17-year-old Heo Yeom

Kasama si Si-wan sa pelikulang Boston 1947 at sa JTBC drama na Run On.





Song Jae-hee as Heo Yeom
Ikinasal si Song Jae-hee sa kapwa artista na si Ji So-yeon noong September 7, 2017. Kasama siya sa 2019 drama na Tower of Babel.





Seo Ji-hee as young Seol






Yoon Seung-ah as Seol
Ikinasal si Seung-ah sa kapwa artista na si Kim Mu-yeol noong April 4, 2015.





Jin Ji-hee as young Min-hwa
Si Ji-hee ay nag-aaral sa Department of Theater and Film at Dongguk University ay inahayag sa isang interview na Straight A's ang mga grade niya at top siya sa kanilang department. Noong June 2019 ay nagkaroon siya ng kontrata sa C-JeS Entertainment. Kasama siya sa 2020 drama na The Penthouse.





Nam Bo-ra as Princess Min-hwa
Kabilang si Bo-ra sa dramang A Diamond In The Rough.





Lee Won-keun 
as 15-year-old Kim Jae-woon 
Nagsimula ang military service ni Won-Keun noong June 2019.





Song Jae-rim as Kim Jae-woon
Noong May 2020, lumabas ang balita na girlfriend na ni Jae-rim si Jiyeon ng T-ara. Kasama siya sa 2020 drama ng Kakau Tv ang Not Yet 30.





Bae Noo-ri as Jan-sil
Kasama si Nooo-ri sa 2020 drama na If You Cheat You Die. Siya ay gaganap bilang agent ng the National Intelligence Service (NIS). Magkakaroon din ng Season 2 ang Dramaworld.




No comments:

Post a Comment