Monday, October 12, 2020

Don't Breathe



Si Rocky, Alex, at Money ay tatlong mga pasaway ng Detroit na kumikita sa pamamagitan ng pagpasok sa mga bahay at pagnanakaw ng mga mahahalagang bagay.
Hangad ni Rocky na lumipat sa California kasama ang kanyang nakababatang kapatid na si Diddy, at makatakas mula sa kanilang mapang-abusong ina at kanyang kasintahan na alcoholic.
Pero konti lang talaga ang kinikita nila sa pagnanakaw ng gamit.
May natanggap na tip sa Money na isang tao ang may nakatagong 300,000 na cash sa kanyang bahay sa abandonadong lugar sa Detroit. Ang cash ay iniulat na isang kasunduan matapos mapatay ng isang mayamang dalaga, si Cindy Roberts, ang kanyang anak na babae sa isang aksidente sa sasakyan. Nalaman nila na ang beterano ng Gulf War na si Norman Nordstrom, ang nagmamay-ari ng bahay ay isang bulag.
Nang gabing iyon ay pinuntahan nila ang bahay at binigyan ng gamot ang asong rottweiler para sila ay makapasok sa bakuran. Si Money ay umakyat sa itaas at naglalagay ng isang bote ng pampatulog na gas sa kwarto ni Nordstrom.
Hinanap ng pangkat ang pakay ngunit hindi mahanap ang pera. Nakakita ng isang naka-lock na pinto, at inisip ni Money na ang pera ay nakatago doon at sinira ang lock. Nagising sa ingay si Nordstrom at nahuli si Money habang nakatago si Alex at Rocky. Nagising sa ingay si Nordstrom at nahuli si Money. Matapos ipilit ni Money na siya ay nag-iisa, ay pinatay siya ni Nordstrom. Si Rocky, na nagtatago sa closet, ay nakasaksi sa lalaki na nagbukas ng isang nakatagong safe upang suriin ang kanyang pera. Pagkaalis niya, binuksan ni ROcky ang safe at kinuha ang pera. Gayunpaman, nahanap ni Nordstrom ang sapatos ni Rocky at napagtanto na may kasama si Money.
Umiwas sina Rocky at Alex kay Nordstrom at pumasok sa basement. Doon nakita nila ang isang babae na nakagapos. Inihayag ng babae ang kanyang sarili na si Cindy Roberts sa pamamagitan ng pagpapakita ng news clip kung saan pinawalang-sala siya sa aksidenteng pagpatay sa anak ni Nordstrom. Pinalaya siya nina Rocky at Alex at tinangka nilang buksan ang pinto sa cellar. Pagbukas ay sinalubong sila ni Nordstrom at pinagbabaril kung saan napatay si Cindy. Nang madiskubre ni Nordstrom na si Cindy ang namatay at niyakap niya ito at naiyak siya. Si Rocky at Alex ay sumugod pabalik sa bodega ng alak habang pinatay ni Nordstrom ang mga ilaw para wala silang makita. Matapos ang habulan ay naknok-out ni Alex si Nordstrom at tumakas sila sa itaas.
Matapos harangan ang pinto sa silong, nakasalubong nila ang aso, na nagising. Tumakas sila papunta sa silid-tulugan, kung saan sila ay nakulong. Nakakatakas si Rocky sa silid sa pamamagitan ng isang bentilasyon ng tubo, habang inaatake ng aso si Alex. Bumagsak siya sa labas ng bintana papunta sa isang skylight. Nang magising si Alex ay binaril ni Nordstrom ang skylight at bumagsak sa koob ng bahay si Alex kung saan papatayin siya ni Nordstrom gamit ang gunting. Samantala, hinabol ng aso si Rocky sa mga lagusan, at siya ay nahuli ni Nordstrom.
Nagising si Rocky na nakatali sa basement. Inilalagay ni Nordstrom ang bangkay ni Cindy sa isang malaking metal box, pinunan ito ng acid, at tinakpan ng tile para maging sahig. Inihayag niya na si Cindy ay nagdadalang-tao bilang "kapalit" ng kanyang anak, ngunit hindi niya ito ginahasa. Pagkatapos ay inihanda ni Nordstrom ang gamit niya para isagawa ang artificial insemination kay ROcky,at nangangako ito na palalayain siya pagkatapos niyang bigyan siya ng isang anak. Si Alex, na nakaligtas sa pamamagitan ng pagloko kay Nordstrom upang masaksak nito ang bangkay ni Money, ang nagligtas kay Rocky, at ginapos si Nordstrom.
Sinubukan ni Rocky at Alex na umalis sa pintuan. Ngunit nakawala si Nordstrom at binaril si Alex. Tumakas si Rocky habang hinahabol ng aso. Nagawa niyang bitagin ang aso sa kanyang trunk sa kotse ngunit nahuli siyang muli ni Nordstrom. Sa loob ng kanyang bahay, isi-net ni Rocky ang alarm at gumawa ito ng ingay na naging dahilan ng pagkabakisa ni Nordstrom, pagkatapos ay paulit-ulit na hinampas siya ni Rocky sa ulo ng isang baril at itinulak siya sa silong. Ang baril ay pumutok sa kanyang tagiliran nang siya ay nahulog. Sa paniniwalang patay na siya, nakatakas si Rocky bago dumating ang pulisya.
Bago sumakay sa isang tren patungong Los Angeles, sina Rocky at Diddy ay nakita niya sa tv ang ulat tungkol sa insidente. Si Nordstrom, na nagpapagaling sa isang ospital, at naiulat na pumatay sa dalawang nagtangkang magnakaw (Alex at Money) bilang pagtatanggol sa sarili. Hindi niya binanggit si Rocky o ang nawawalang pera. Sumakay sina Rocky at Diddy sa tren at umalis.


Cast
Jane Levy as Roxanne / "Rocky"

Stephen Lang as Norman Nordstrom / "The Blind Man

Dylan Minnette as Alex


Daniel Zovatto as Money

No comments:

Post a Comment