Sunday, October 11, 2020

Metamorphosis



Nagsimula ang pelikula sa isang exorcism na eksena kung saan ang paring si Joong-Soo ay hindi nagtagumpay sa pagpapaalis sa demonyo sa katawan ng isang babae. Namatay ang babae sa pagkakahulog sa bintana pero bago ito ay binantaan ng demonyo ang pari na wawasakin nito ang buhay niya at ng kanyang pamilya at kinagat niya sa kamay si Joong-so.
Naging usap-usapan sa kanilang lugar ang nangyari na namatay daw ang babae dahil sa kagagawan ng pari. At dahil dito ay lumipat ng tirahan ang kapatid ni Joong-soo na si Gang-Goo at ang asawa nitong si Myung-Joo kasama ang tatlo nilang anak na si Sun-woo, Hyun-joo at Woo-jong.
Kakaiba ang kinikilos ng kanilang bagong kapitbahay. Nag-iingay ito sa gabi at hindi makatulog ang pamilya. Napilitan si Gang-goo na sugurin ito matapos makita ang hindi maayos na pag-park ng sasakyan nito sa tapat nila at sinira pa nito ang upuan ng kanilang anak. Nagulat si Gang-goo sa kanyang nakita sa loob ng bahay ng kapitbahay. Puro patay na mga hayop ang nakasabit dito at mga baliktad na krus. Nang gabing iyon muli na namang nag-ingay ang kapitbahay kaya tumawag na sila ng pulis. Nagtaka si Gang-goo dahil biglang naging malinis at nawala ang mga naksabit sa bahay nito matapos nilang pasukin ito.
Dito na nagsimula ang lahat ng pagbabago sa kanilang pamilya. Ang demonyo ay nagbago ng anyo at ginagaya ang bawat isa sa kanila. Isang kunwaring Gang-goo ang nagsalita ng kakaiba kay Hyun-joo sa kanyang kwarto. Isang Myung-joo naman ang kumilos ng kakaiba sa umaga habang nag-luluto. Isang kunwaring Hyun-joo naman ang nagsabi kay Sun-woo na patayin niya ang kanyang pamilya. Sinugod ni Swun-woo si Hyun-joo sa kwarto nito dahil dito at nakita nila ang kunwaring Gang-goo na galit na galit at itinapon si Sun-woo sa hagdan. Kumuha ito ng martilyo para pukpukin si Hyun-joo ngunit dumating ang totoong Gang-goo. Takot na takot ang magkapatid ng biglang dumating ang kunwaring Myung-joo at pukpukin ng martilyo sa kamay si Gang-goo. Pumasok ito sa kwarto at ng dumating ang totoong Myung-joo ay doon nila nadiskubre na pinaglaruan sila ng demonyo.
Humingi sila ng tulong kay Joong-soo at tinawag ni Joong-soo ang isang pari mula sa Pilipinas para gumawa ng exorcism. Ayaw na kasi ni Joong-soo na magsagawa nito dahil sa pagkamatay ng babae sa unang eksena.
Naaksidente si Jong-soo at ang mga kasamahan nito. Napatay at sinunog naman si Hyun-joo. Si Sun-woo ay pinaghahampas ng kunwaring Joong-soo at si Myung-joo ay nawalan ng malay matapos itulak ni Gang-goo sa pag-aakalang isa itong demonyo. Dumating ang totoong Jong-soo at gumawa ng panalangin na hinihiling na pumasok sa katawan niya ang demonyo at gamitin ang katawan niya para wakasan ang paghahari ng lagim nito. Nang sumanib ito sa katawan niya, kinuha ni Joong-soo ang krus at pinatulis. Humingi siya ng tulong kay Gang-goo pero nag-aalinlangan ito ngunit si Joong-soo na mismo ang gumawa ng paraan para masaksak ang katawan niya ng krus. Dahil dito ay namatay ang demonyo at pati na rin si Jong-soo.

Cast

Bae Sung-Woo as Joong-Soo



Sung Dong-Il as Gang-Goo



Jang Young-Nam as Myung-Joo



Kim Hye-Jun as Sun-Woo



Cho Yi-Hyun as Hyun-Joo



Kim Kang-Hoon as Woo-Jong

No comments:

Post a Comment