Yoo In-na
Marami na akong napanood na drama ni In-na at nagtataka talaga ako kung bakit laging artista o celebrity ang role niya. Iba-iba naman ang ugali ng character, siguro artistahin lang talaga ang dating ni In-na kaya siya ang kinukuha kapag may ganitong role sa drama.
The Greatest Love
Bilang si Kang Se-ri na ex-idol at popular tv show host
Queen In-hyun's Man
Bilang Choi Hee-jin isang struggling actress na naghihintay ng big break
My Love From the Star
Bilang Yoo Se-mi ang laging supporting actress sa bestfriend at bida na si Song-yi
Touch Your Heart
Bilang Oh Jin-shim isang top star na nasangkot sa scandal
Lee Min Ho
Palagi na lang mayaman ang role ni Lee Min Ho, kailan ko kaya siya makikita bilang waiter o simpleng trabahador lang sa isang drama.
Boys Over Flowers
Bilang Gu Jun-pyo ang leader ng F4 at tagapag-mana ng Shinhwa Group, na na-inlove kay Jandi ang poor girl sa school nila
The Heirs
Bilang Kim Tan isang rich kid na na-inlove sa anak ng katulong nila
Park Shin-hye
Laging kawawa at iyakin ang role ni Shin-hye at palagi ko talaga siyang nakikitang umiiyak ng patago sa drama yung sinasarili ang nararamdaman at umiiyak na lang ha.
You're Beautiful
Bilang Ko Mi-nyeo na nagpanggap bilang kakambal niya at sumali sa banda at dahil sa pagpapanggap nito ay palagi itong umiiyak lalo at hindi niya ma-express ang feelings sa kaband-mate niya dahil nga bawal kasi lalaki siya dapat
Flower Boy Next Door
Bilang Go Dok-mi isang modern day Rapunzel na takot lumabas at makipagkilala sa mga tao
The Heirs
Bilang Cha Eun-sang anak ng katulong na pinag-aral ng amo sa prestigious school na pag-aari nito.
Unang kong nakita ang Kill Me Heal Me dati at after nito ay pinanood ko ang She wa Pretty at nakita ko na pareho lang yung atake niya sa comedic scenes dito. Kilala siya sa mga roles na quirky, funny at over the top. Pero tuwang tuwa naman ako sa She was Pretty, si Park Seo Joon kasi mukhang king of chemistry kasi lahat ng drama niya na napanood ko bagay na bagay sila ng partner niya.
Kill Me Heal Me
Bilang Oh Ri-jin, isang psychiatrist na naging private doctor ng isang dissociative identity disorder patient
She was Pretty
Bilang Kim Hye-jin, dating maganda at mayaman na nagbago ang hitsura at katayuan sa buhay.
Bae Suzy
Kung si Shin-hye ay iyakin si Suzy naman ay maldita at palaban ang kadalasan na ginagampanan.
Dream High
Bilang Go Hye-mi, ito ang first drama ni Suzy at lead role agad ang nakuha niya, super maldita niya dito.
Big
Bilang Jang Ma-ri, rich, spoilesd, fashionista na may unrequited love sa kaibigan.
While You Were Sleeping
Bilang Nam Hong-joo, isang journalist at field reporter na may abilidad na makita ang future sa pamamagitan ng kanyang panaginip. Palaban at malakas ang loob kaya laging nalalagay sa peligro ang buhay.
Lee Jong Suk
Madami na akong napanood na drama ni Jong Suk at pansin ko rin na yung role niya laging may trahedyang nangyari sa tatay o family niya.
I Can Hear Your Voice
Bilang Park Soo-ha, naririnig niya ang iniisip ng tao at nakita niya na pinatay ang papa niya sa labas ng sasakyan nila. Nagkagusto siya dito sa witness ng trial ng papa niya.
Doctor Stranger
Bilang Park Hoon, pinilit ang papa niya na isang doktor na dalahin sa North upang operahan ang leader doon. Mula noon ay nanatili na sila doon. Napatay rin ang papa niya ng mabaril ito, nagsakripisyo ito upang makatakas siya. Marami pa siyang conspiracy na nalaman kung bakit ang papa niya ang napili na ipadala sa North.
Pinocchio
Bilang Choi Dal-po/kim Ha-myung, isang news naman ang sumira sa image ng namatay sa serbisyo na tatay niya ang nangyari sa kanya dito. Dahil din dito kaya nasira ang pamilya niya at nagkahiwalay sila ng kanyang kapatid.
While You Were Sleeping
Bilang Jung Jae-chan, isang pulis naman ang tatay niya dito na napatay ng isang AWOL na sundalo.
W
Bilang Kang Chul, isang character sa comic at naging wanted at suspect sa pagkamatay ng kanyang family.
No comments:
Post a Comment