Noong si Xavier ay isang mag-aaral sa elementarya, ako ang nagmamaneho sa kanya papuntang paaralan at pauwi. Isang araw, hindi nangyari ang mga bagay ayon sa plano. Na-late ako sa pagsundo sa kanya. Nakaparada Nadatnan ko siyang nakayakap sa kanyang backpack habang nakaupo siya sa isang bench sa tabi ng isang guro. ang sasakyan, sumusubok akong magdasal habang ako'y nagmamadali papunta sa kanyang silid-aralan. Nadatnan ko siyang nakayakap sa kanyang backpack habang nakaupo siya sa isang bench sa tabi ng isang guro. "I'm so sorry, Mijo. Ayos ka lang ba?" Siya ay napabuntong hininga. "Okay lang ako, pero galit ako sayo dahil na-late ka."Paano ko siya masisisi? Nagalit din ako sa sarili ko. Mahal ko ang aking anak, ngunit alam kong maraming pagkakataon na ma-di-disappoint ko siya.Alam ko rin na isang araw, maaring ma-di-disappoint siya sa Diyos.Kaya't pinagsikapan kong turuan siya na ang Diyos ay hindi kailanman kailanman magbabali ng pangako.
Hinihikayat tayo ng Awit 33 na ipagdiwang ang katapatan ng Diyos na may masayang papuri (vv. 1–3) dahil “ang salita ng Panginoon ay matuwid at totoo; siya ay tapat sa lahat ng kanyang ginagawa” (v. 4). Gamit ang mundong nilikha ng Diyos bilang nakikitang patunay ng Kanyang kapangyarihan at pagiging maaasahan (vv. 5–7), nanawagan ang salmista sa “mga tao ng mundo” na sambahin ang Diyos (v. 😎.
Kapag nabigo ang mga plano o binigo tayo ng mga tao, maaari tayong matukso na mabigo sa Diyos. Gayunpaman, maaari tayong magtiwala sa katapatan ng Diyos sapagkat ang Kanyang mga plano ay "nananatiling matatag magpakailanman" (v. 11). Maari nating purihin ang Diyos, kahit na ang mga bagay ay magkasamaan, sapagkat ang ating mapagmahal na Lumikha ay nagpapalakas sa lahat ng bagay at bawat isa. Ang Diyos ay laging tapat magpakailanman.
No comments:
Post a Comment