Ikaw ay tulad ni Moises, na nagdadala sa amin palabas mula sa pagkaalipin!" sigaw ni Jamila. Bilang isang bonded brick-kiln worker sa Pakistan, siya at ang kanyang pamilya ay nagdusa dahil sa labis na halaga ng utang nila sa may-ari ng tapahan. Ginamit nila ang malaking bahagi ng kanilang kinita para lamang mabayaran ang interes. Ngunit nang makatanggap sila ng regalo mula sa isang hindi pangkalakal na ahensya na nagpalaya sa kanila mula sa kanilang pagkakautang, nakadama sila ng matinding ginhawa. Sa pasasalamat ni Jamila sa kinatawan ng samahan para sa kanilang kalayaan, binanggit niya ang halimbawa ng pagpapalaya ng Diyos kay Moises at sa mga Israelita mula sa pagkaalipin.
Ang mga Israelita ay inaapi ng mga Egyptian sa loob ng daan-daang taon, nagtatrabaho sa masamang kalagayan. Sumigaw sila sa Diyos, humihingi ng tulong (Exodo 2:23). Ngunit ang kanilang trabaho ay nadagdagan, dahil ang bagong pharaoh ay nag-utos sa kanila na hindi lamang gumawa ng mga brick kundi pati na rin ang magtipon ng dayami para sa mga brick (5:6-8). Nang patuloy na sumigaw ang mga Israelita laban sa pag-aapi, muling ipinagtapat ng Diyos ang Kanyang pangako na maging kanilang Diyos (6:7). Hindi na sila magiging mga alipin, dahil tutubusin Niya sila ng “may nakaunat na bisig” (v. 6).
Sa ilalim ng patnubay ng Diyos, pinangunahan ni Moises ang mga Israelita palabas ng Egypt (tingnan ang kabanata 14). Ngayon, patuloy pa rin tayong inililigtas ng Diyos sa pamamagitan ng mga kamay na nakaunat ng Kanyang Anak, si Jesus, sa krus.Tayo ay pinalaya mula sa isang mas malaking pagkaalipin sa kasalanang dating kumokontrol sa atin. Hindi na tayo mga alipin, ngunit malaya na!
No comments:
Post a Comment