Marahil ang pinakanakapanabik na tradisyon sa football sa kolehiyo ay nangyayari sa University of Iowa. Marahil ang pinakanakapanabik na tradisyon sa football sa kolehiyo ay nangyayari sa University of Iowa. Sa mga araw ng laro, ang mga batang may sakit at kanilang pamilya ay napupuno ang palapag para panoorin ang laban sa ibaba, at sa katapusan ng unang quarter, ang mga coach, atleta, at libu-libong tagasuporta ay lilingon sa ospital at kakaway. Sa mga sandaling iyon, ang mga mata ng mga bata ay sumisilay ng kasiyahan. Napakalakas ng epekto na makita ang mga atleta, kasama ang libu-libong nanonood sa staduim at sa telebisyon, na huminto at ipakita ang kanilang pagmamalasakit.
Itinuuturo ng Kasulatan sa mga may kapangyarihan (at tayong lahat ay mayroong kahit anong uri ng kapangyarihan) na alagaan ang mga mahihina, alalayan ang mga naghihirap, at asikasuhin ang mga may sugatang katawan.Gayunpaman, kadalasan, binabalewala natin ang mga nangangailangan ng atensyon (Ezekiel 34:6). Sinaway ni propeta Ezekiel ang mga pinuno ng Israel dahil sa kanilang pagiging makasarili, dahil sa hindi nila pinapansin ang mga higit na nangangailangan ng tulong."Kapahamakan sa inyo," sabi ng Diyos sa pamamagitan ni Ezekiel. "Hindi ninyo pinatatag ang mahihina o pinalakas ang mga may sakit o binebendahan ang mga sugatan" (talata 2, 4).
Gaano kadalas natin ipinapakita ang ating personal na mga prayoridad, pilosopiya sa pamumuno, o mga patakaran sa ekonomiya na walang malasakit sa mga nasa kagipitan? Ang Diyos ay nagpapakita sa atin ng ibang paraan, kung saan ang mga may kapangyarihan ay nagbabantay sa mga mahihina (vv. 11–12).
No comments:
Post a Comment