Pagkatapos ng hindi matagumpay na operasyon, sinabi ng doktor ni Joan na kailangan niyang sumailalim sa isa pang operasyon sa loob ng limang linggo. Sa paglipas ng panahon, lumakas ang kanyang pag-aalala. Si Joan at ang kanyang asawa ay mga senior citizen, at ang kanilang pamilya ay nakatira sa malayo. Kailangan nilang magmaneho papunta sa isang di-pamilyar na lungsod at harapin ang isang kumplikadong sistema ng ospital, at makipagtulungan sa isang bagong espesyalista.
Bagama't tila napakabigat ng mga pangyayaring ito, inalagaan sila ng Diyos. Sa biyahe, nasira ang navigation system ng kanilang sasakyan, ngunit dumating sila sa oras dahil may papel silang mapa.Nagbigay ang Diyos ng karunungan. Sa ospital, isang Kristiyanong pastor ang nanalangin kasama nila at nag-alok na tumulong noong araw na iyon. Nagbigay ng suporta ang Diyos.Matapos ang operasyon, natanggap ni Joan ang magandang balita ng matagumpay na operasyon.
Bagama't hindi tayo palaging makakaranas ng pagpapagaling o pagliligtas, ang Diyos ay tapat at laging malapit sa mga taong mahina—bata man, matanda, o mahirap. Mga siglo na ang nakalilipas, nang ang pagkakabihag sa Babilonya ay nagpahina sa mga Israelita, ipinaalaala ni Isaias sa kanila na ang Diyos ay sumuporta sa kanila mula pa noong kanilang pagkapanganak at patuloy na mag-aalaga sa kanila.Sa pamamagitan ng propeta, sinabi ng Diyos, “Hanggang sa inyong katandaan at puting buhok ay ako siya, ako ang aalalay sa inyo” (Isaias 46:4).
Hindi tayo pababayaan ng Diyos kapag higit nating kailangan ang Kanyang presensya. Kaya Niyang punuan ang ating mga pangangailangan at ipaalala sa atin na Siya ay kasama natin sa bawat yugto ng ating buhay. Siya ang Diyos ng lahat ng ating mga araw.
No comments:
Post a Comment