Ang traditional na gamot ng Tsino ay gumagamit ng pulbos ng perlas bilang exfoliant sa loob ng libu-libong taon, kung saan ginagamit ang giniling na perlas upang tanggalin ang mga patay na cells sa ibabaw ng balat. Sa Romania, ang rejuvenating therapeutic mud ay naging isang sikat na exfoliant na pinaniniwalaang magpapabata at magpapakinis ng balat. Sa buong mundo, ginagamit ng mga tao ang mga body care practices na pinaniniwalaan nilang magpapabago kahit ng pinakamapurol na balat.
Ang mga kasangkapan na ginawa natin upang alagaan ang ating mga katawan ay makakapagbigay lamang sa atin ng pansamantalang kasiyahan. Ang mas mahalaga ay manatiling malusog at malakas tayo sa espirituwal. Bilang mga mananampalataya kay Hesus, binibigyan tayo ng kaloob ng espirituwal na pagpapanibago sa pamamagitan Niya. Isinulat ni apostol Pablo, “Bagaman tayo sa labas ay nanghihina, gayon ma'y sa loob tayo ay binabago araw-araw” (2 Mga Taga-Corinto 4:16). Ang mga hamon na kinakaharap natin araw-araw ay maaaring magpabigat sa atin kapag pinanghahawakan natin ang mga bagay tulad ng takot, pananakit, at pagkabalisa. Dumarating ang espirituwal na pagpapanibago kapag “itinuon natin ang ating mga mata hindi sa nakikita, kundi sa hindi nakikita” (v. 18). Ginagawa natin ito sa pamamagitan ng pagbaling ng ating pang-araw-araw na mga alalahanin sa Diyos at pananalangin para sa bunga ng Banal na Espiritu—kabilang ang pag-ibig, kagalakan, at kapayapaan—na muling lumitaw sa ating buhay (Galacia 5:22–23). Kapag ipinaubaya natin ang ating mga problema sa Diyos at pinahihintulutan ang Kanyang Espiritu na sumikat sa atin araw-araw, Siya ay nagpapagaling sa ating kaluluwa.
No comments:
Post a Comment