Nang ako ay bata pa, isang tankeng ginamit sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay inilagay sa isang parke malapit sa aming tahanan. Maraming nakapaskil na babala na nagbabala sa peligro ng pagsakay sa sasakyan, ngunit agad na umakyat ang ilan sa aking mga kaibigan. Medyo hesitant naman kami, ngunit sa huli ay sumunod din kami. May isa sa amin na tumangging sumakay at nagturo sa nakapaskil na babala. Kapag may mga dumadaan ay agad kaming tumatalon para di mapagalitan. Ang hikayat na mag-enjoy ay mas malakas kaysa sa pagnanais na sumunod sa mga alituntunin.
May pusong mapanghimagsik ng kabataan na nakatago sa loob ng bawat isa sa atin. Ayaw nating sinasabi sa atin kung ano ang dapat at hindi dapat gawin. Gayunman, nababasa natin sa aklat ni Santiago na kung alam natin kung ano ang tama at hindi natin ito ginagawa, ito ay kasalanan (4:17). Sa sulat ni Pablo sa mga Taga-Roma, sinulat niya: "Hindi ko ginagawa ang mabuti na nais kong gawin, kundi ang masama na hindi ko nais na gawin--ito ang patuloy kong ginagawa. Ngayon, kung ginagawa ko ang hindi ko nais gawin, hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanan na naninirahan sa akin" (7:19-20).
Bilang mga mananampalataya kay Hesus, maaari tayong maguluhan sa ating pakikibaka sa kasalanan. Ngunit kadalasan ay umaasa lamang tayo sa ating sariling lakas upang gawin ang tama. Isang araw, kapag natapos na ang buhay na ito, tayo ay tunay na patay sa makasalanang mga udyok. Gayunpaman, hanggang sa panahong iyon, maaari tayong umasa sa kapangyarihan ng Isa na ang kamatayan at pagkabuhay-muli ay nanalo sa kasalanan.
No comments:
Post a Comment