"Panginoon, pakisuyong ipadala ako kahit saan maliban doon." Yan ang dasal ko bilang teenager bago pumasok ng isang taon bilang foreign exchange student. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ngunit alam ko kung saan di ko gusto pumunta. Hindi ko alam ang wika ng bansang iyon, at ang aking isip ay napuno ng mga pagtatangi laban sa mga kaugalian at mga tao doon. Kaya hiniling ko sa Diyos na ipadala ako sa ibang lugar.
Ngunit ang Diyos sa Kanyang walang katapusang karunungan ay ipnidala ako sa eksaktong lugar kung saan ko hiniling na huwag pumunta. Natutuwa akong ginawa Niya! Makalipas ang apatnapung taon, mayroon pa rin akong mga mahal na kaibigan sa lupaing iyon. Noong ikasal ako, doon nanggaling ang best man kong si Stefan. Nang magpakasal siya, lumipad ako doon para ibalik ang pabor. At nagpaplano kami ng isa pang pagbisita sa lalong madaling panahon.
Ang magagandang bagay ay nangyayari kapag ang Diyos ay nagdulot ng pagbabago ng puso! Ang gayong pagbabago ay inilalarawan ng dalawang salita lamang: “Kapatid na Saulo” (Mga Gawa 9:17).
Ang mga salitang iyon ay mula kay Ananias, isang mananampalatayang tinawag ng Diyos upang pagalingin ang paningin ni Saul kaagad pagkatapos ng kanyang pagbabalik-loob (vv. 10–12). Noong una ay lumaban si Ananias dahil sa marahas na nakaraan ni Saul, na nanalangin: “Narinig ko ang maraming ulat tungkol sa taong ito at ang lahat ng pinsalang ginawa niya sa iyong banal na bayan” (v. 13).
Ngunit si Ananias ay masunurin at umalis. At dahil nagkaroon siya ng pagbabago ng puso, nagkaroon si Ananias ng bagong kapatid sa pananampalataya, nakilala si Saulo bilang Pablo, at ang mabuting balita ni Jesus ay lumaganap nang may kapangyarihan. Ang tunay na pagbabago ay laging posible sa pamamagitan Niya!
No comments:
Post a Comment