Saturday, September 5, 2020

Stranded



Si Spencer na isang happy go lucky na food delivery guy ay nastranded sa building kung saan nagtratrabaho ang workaholic na si Julia. Malakas kasi ang bagyo at natrap sila dahil na-lock ng guard yung building sa pagaakalang nakauwi na ang mga tao sa loob dahil sa babalang malakas na bagyo. At first di sila magkasundo pero kalaunan ay nagkapalagayan ng loob ang dalawa. Si Spencer ang nagparealize kay Julia na hindi pa siya ready magcommit sa kanyang long-time boyfriend dahil marami pa siyang mga dapat maexperience before magsettle down. Si Julia naman ang nagparealize kay Spencer na dapat magkaroon ng direction ang buhay niya. Na-overcome rin ni Spence ang takot sa tubig kung saan nalunod ang mama niya dahil sa pagligtas sa kanya.
Inurong nga ni Julia ang kasal while si Spencer naman ay nagtayo ng sariling Bucket List na travel agency yata yun sa tingin ko. Nagkita sila ulit matapos mastranded sa isang island.
Walang maipakitang bago ang pelikulang ito para sa akin. Siguro mas magugustuhan ko ito kung kinilig ako pero hindi dahil wala naman silang chemistry. Maganda si Jessy at ang ganda ng skin niya. Tama lang din tingnan si Jessy, di mataba di rin sobrang payat, sakto lang at realistic tingnan pero waley talaga si Jessy sa acting at kailangan pa ng workshop. Si Arjo naman para sa akin lang eh di talaga pang hearthrob ang looks. Gwapo naman c Arjo at okay ang acting pero sa tingin ko lang ay mas bagay ang looks niya sa more intense roles like drama at actions at hindi sa pakilig-kilig. Sa isip ko kung si Park Seo-joon at Park Min-young ito baka sobrang kilig ko na at malike ko ang movie kahit wala namang bago sa istorya. Yun lang.

Cast



Jessy Mendiola as Julia



Arjo Atayde as Spencer



Miko Raval



Michelle Liggayu

No comments:

Post a Comment