Monday, September 14, 2020

Flight Sa Eroplano Nakansela Dahil sa Batang Hindi Nagsuot ng Mask


Isang flight mula sa Calgary patungong Toronto ang nakansela pagkatapos ng hindi pagkakasundo tungkol sa isang walang facial mask na bata.

Sinabi ng airline ng Canada na WestJet na kinailangan nitong kanselahin ang flight noong Martes dahil ang dalawang magulang sa eroplano ay tumangging maglagay ng mask sa kanilang 3-taong-gulang na anak, iniulat ng CBC News.
Ni-require ng airline at ng Canadian government na ang lahat ng mga pasahero na may edad na 2 pataas na magsuot ng mask bilang pag-iingat sa kaligtasan laban sa coronavirus.
Sinabi ng airline sa CBC News na ang mga tauhan nila ay tumawag sa mga awtoridad matapos tumanggi ang mga nasabing pasahero na sumunod sa utos at pagkatapos ay tumanggi na bumaba sa eroplano.
Gayunpaman, sinabi ni Safwan Choudhry, isa sa mga magulang, na ang kanyang 3-taong-gulang na anak na babae ay talagang nakasuot ng mask at ang pagtatalo ay tungkol sa kanyang 19 na buwan na anak na babae, ayon sa ulat. Sinabi niya na ang mga aksyon ng airline ay nakaka-disappoint at nais niya itong humingi ng tawad.
Ngunit ang apology ay mukhang malabong mangyari. Pinasinungalingan nila ang sinabi ni Choudry, at ang pamilya daw nito ay may gamit na employee travel passes na kanilang binawi. Tinanggalan din nila ng travel privileges ang empleyado na nagbigay sa diumano ng travel pass sa naturang pamilya.
Ngunit humingi ito ng paumanhin sa iba pang mga pasahero na ang mga plano sa paglalakbay ay naapektuhan ng pagkansela.
Inihayag ng WestJet noong nakaraang buwan na ang patakaran na zero-tolerance mask ay magkakabisa sa Setyembre 1. Nagbabala ito na ang sinumang mga panauhin na hindi sumunod sa patakaran ay maaaring harapin ang mga parusa kasama ang hindi pinapayagan na sumakay ng aircraft, pababain mula sa loob ng aircraft at isang taong pag-ban na sumakay sa kanilang eroplano.
Ayon sa Johns Hopkins University, 136,000 na ang nagppositibo sa COVID-19 sa Canada at 9200 na katao ang namatay.

No comments:

Post a Comment