The Hollywood Roosevelt Hotel
Ang Hollywood Roosevelt Hotel, na nagbukas noong Mayo 1927, ay ang pinakalumang hotel sa LA.
Ito ay may higit sa 25,000 square feet ng espasyo at maaaring magsilbi ng hanggang sa 1500 mga panauhin sa kasal.
Marangya ang mga silid dito na nagpapaalala sa golden age of Hollywood.
Kilala ang hotel na ito na haunted.
Ang sabi-sabi ay si Montgomery Clift ay nanggugulo daw sa mga bagahe ng bisita o di kaya ay nang-iinis gamit ang trumpet.
Sinasabi din na si Marilyn Monroe ay nagmumulto sa isang salamin na dati ay nakasabit sa suite na tinutuluyan niya.
Ang Room 213 ay pinaninirahan ng isang pugot-ulo na gustong takutin ang mga buhay sa pamamagitan ng pag-on at off sa tv at mga faucet. Gayunpaman, kung ang mga bagay na ito ay hindi nakakabahala sa iyo at nais mo ng isang kasal na kakaiba ang Hollywood Roosevelt Hotel ay maaaring maging venue para sa iyo.
Walworth Castle Hotel
Ang mga castles ay popular na venue para sa mga kasal at ang Walworth Castle Hotel sa Darlington ay kabilang dito.
Walworth Castle Hotel
Ang mga castles ay popular na venue para sa mga kasal at ang Walworth Castle Hotel sa Darlington ay kabilang dito.
Ang castle na ito ay mula pa noong 12th century.
May magandang green lawns at nag-ooffer ng indoor at outdoor weddings, ang lugar na ito ay tila dream-come-true para sa mga babaeng ikakasal.
Ngunit ang nakamamangha sa gandang kastilyo ay may nakasisindak na history daw.
Ayon sa mga sabi-sabi na daan-daang taon na ang nakalilipas isang maid daw ang nagkaroon ng relasyon sa isa sa mga lord ng castle. Dahil sa pag-aalalang malaman ng iba ang relasyon, kasama daw na senemento ang katawan ng babae sa mga dingding ng hagdanan nang ipinarenovate nila ito.
Pinaniniwalaan din na buntis daw ang naturang babae nang ito ay mamatay. Mula ng mamatay daw ito ay may multong pagala-gala na lumalabas mula sa hagdanaan daw ng castle.
Ito ay isa lamang sa maraming mga aktibidad ng multo na naiulat ng mga parokyano at empleyado.
Ang ilan ay nakarinig ng mga hiyawan mula sa dingding sa likod ng hagdanan habang ang iba naman ay iniulat na hinila o nakikita ang mga anino na lumulutang sa mga pasilyo o nakaupo sa mga armchair.
Berkeley Castle
Kapag venue ng kasal ang pag-uusapan ang Berkeley Castle sa Gloucestershire ay mukhang perfet para dito.
Berkeley Castle
Kapag venue ng kasal ang pag-uusapan ang Berkeley Castle sa Gloucestershire ay mukhang perfet para dito.
Ang fortress ng ika-11 siglo ay binuksan sa publiko noong 1956. Ito ay isang kahanga-hangang istraktura na may nakamamanghang mga backdrop ng larawan sa bawat sulok.
Ang mga ikakasal ay maaaring pumili ng church o civil wedding sa isa sa mga malalaking silid at mag-enjoy sa picture-perfect na tanawin na mga lily pond at makasaysayang terraces.
Pwede rin nila i-trace ang mga footsteps ni Queen Elizabeth I habang naglalakad sa damuhan. Isa ito sa mga unforgettable na maaari mong ma-experience.
Gayunpaman, ang Dark Castle ay may isang madilim na kasaysayan. May piitan sa loob na dating nilalagyan ng bangkay ng mga hayop. Sinasabing si Edward II ay nabilanggo malapit sa piitan noong 1327 at inaasahan nilang ang nakakasukang amoy ng mga nabubulok na hayop ay magdudulot sa kanyang pagkakasakit.
Nang hindi ito gumana, ayon sa alamat, si Edward II ay pinatay sa loob ng kastilyo; ang kanyang mga hiyawan ay umaalingawngaw sa mga damuhan.
Usap-usapan din na ang piitan ay may kasamang mga bangkay ng tao at naririnig pa rin ang kanilang mga nakakakilabot na hiyawan kasama na kay Edward II sa loob ng castle.
1886 Crescent Hotel and Spa
Ang 1886 Crescent Hotel and Spa sa Eureka Springs, Arkansas ay nag-aalok ng luho at ginhawa kabilang ang mga serbisyo ng spa at salon, mga gourmet na pagkain, couples retreat at bridal services.
1886 Crescent Hotel and Spa
Ang 1886 Crescent Hotel and Spa sa Eureka Springs, Arkansas ay nag-aalok ng luho at ginhawa kabilang ang mga serbisyo ng spa at salon, mga gourmet na pagkain, couples retreat at bridal services.
Bilang isang resort, ang mga bisita ay pwedeng mag-enjoy sa mga hiking, pagtikim ng alak, paglalakad, isang lokal na parke ng skate at marami pa.
Kilala rin ang hotel bilang most haunted sa America at ang kasaysayan nito ay nagsasama ng mga kakila-kilabot na kaganapan.
Sa panahon ng konstruksyon, isang mason na nagngangalang Michael ang namatay sa pagkakahulog sa loob ng gusali.
Noong unang bahagi ng 1900s isang babae ang nahulog mula sa isang tuktok na bintana na ayon sa kuwento at ilang mga ulat na sinasabi na siya ay tinulak.
Ang pag-aari ng hotel ay nagpalit-lipat sa ilang mga kamay nang maraming beses sa paglipas ng mga taon at kalaunan ay naibenta kay Norman Baker noong 1937 na nagpasyang gawin itong isang ospital.
Si Baker na isang psycho na nag-aalok ng mga himalang gamot sa cancer.
Titiyakin niya na ang kanyang mga pasyente ay walang malapit na pamilya na darating upang hanapin sila at papirmahan sila ng mga sulat na nagsasabing sila ay gumaling kung sakaling may magtanong tungkol sa kanila.
Nagsagawa siya ng operasyon sa silong ng hotel, kung saan ay binutasan niya ang mga bungo ng mga pasyente at binuhusan ng mga mixture ng tubig, mais na sutla, karbolic acid at mga binhi ng pakwan sa loob nito.
Isang bahagi ng building na sinasabing psychiatric ward na tanging si Baker lang ang pwedeng mag-access niya nilagay ang mga inoperahang pasyente kung saan ang kanilang sigaw mula sa matinding sakit ay hindi maririnig ng iba.
Nang mamatay ang mga pasyenteng ito, magpapadala siya ng request sa sa mga kapamilya ng pasyente upang humingi ng pera para sa libing. Marami na ang nakakakitang may mga gumagalang multo ng mga doktor, nurse at pasyente na naiulat dito sa hotel.
Nag-aalok ang hotel ng mga ghost tours bilang attraction at maaaring bisitahin ng mga bisita ang basement kung saan naganap ang mga nakakakilabot na operasyonni Baker at tingnan ang isang lumang mesa ng awtopsiya na makikita pa rin.
Hawthorne Hotel
Ang Hawthorne Hotel ay itinatag noong 1925 at matatagpuan sa Salem, Massachusetts.
Hawthorne Hotel
Ang Hawthorne Hotel ay itinatag noong 1925 at matatagpuan sa Salem, Massachusetts.
Ito ay isa sa mga Makasaysayang Hotel sa Amerika at tumanggap na ng higit sa 1 milyong mga bisita mula nang buksan ito.
Isang masayang parada ang ginanap upang ipagdiwang ang pagbubukas ng hotel noong Hulyo 23, 1925.
Noong dekada 60 isang dance school ang itinatag sa loob ng hotel at noong dekada 70 ang palabas sa TV na Bewitched's Salem Saga ay bahagyang kinunan sa hotel.
Noong 1990 isang sesance ang ginanap sa Hawthorne sa pag-asang matawag ang kaluluwa ni Harry Houdini.
Gayunpaman, bago itinayo ang hotel, isang apple orchard ang nakatayo sa lugar na ito.
Ang may-ari ng orchard ay si Bridget Bishop; isa sa mga unang kababaihan na napatay sa panahon ng Salem Witch Trials.
Iniulat ng mga parokyano ang amoy ng mga mansanas na tumatagos sa Hawthorne Hotel sa mga nagdaang panahon.
Ang mga multo daw ng mga sea captains ay nakikita rin sa hotel. Sinasabi din na ang multo ng isang babae ay palipat=lipat sa pintuan ng Room 612 habang sa Room 325 taps ay bukas-sarado daw ang faucet at makakarinig ka daw ng sanggol na umiiyak sa sulok.
Lizzie Borden Bed and Breakfast
Kung hindi pa nakakatakot sayo ang Hawthorne Hotel maari mong piliin ang Lizzie Borden Bed and Breakfast sa Massachusetts.
Lizzie Borden Bed and Breakfast
Kung hindi pa nakakatakot sayo ang Hawthorne Hotel maari mong piliin ang Lizzie Borden Bed and Breakfast sa Massachusetts.
Masasabing ito ang pinaka kilalang entry sa listahang ito at sa kasamaang palad para sa lahat ng maling dahilan.
Ang ama ni Lizzie Borden, si Andrew, at stepmother, si Abby, ay pinatay gamit ang isang palakol noong 1892.
Hindi kabilang sa mga pangunahing suspek noong una si Lizzie ngunit matapos ang mga pagsisiyasat at nauwi sa negative ang imbestigasyon sa mga suspek ay nabaling ang kanilang suspetsa kay Lizzie. Natuklasan na sinubukan ni Lizzie na bumili ng prussic acid bago ang pagpatay at sinunog ang isa sa kanyang mga damit ilang sandali matapos ang pagpatay.
Walang dugo ang kanyang mga damit ng maganap ang pangyayari kaya inisip nila na maaring ginawa niya ang krimen ng nakahubad. Gayunpaman, pinalaya si Lizzie Borden noong Hunyo 19, 1893 matapos ang isang 14 na araw na paglilitis.
Ang natitirang misteryo ng pagpatay sa Bordens ay isang drawcard para sa mga turista sa buong mundo.
At pati na rin sa mga couples na gusto na kakaibang kasal.
Ang ilang mga parokyano ng B & B ay sinasabing nakita nila ang mga multo ng pinaslang na mag-asawa.
Ang mga sigaw ni Abby ay madalas na naririnig habang si Andrew ay simpleng dumadaan sa loob ng gusali na parang doon pa rin nakatira.
The Moors Castle
Ang Muldersdrift sa Gauteng, South Africa ay kilalang kilala para sa kamangha-manghang venue ng kasal.
The Moors Castle
Ang Muldersdrift sa Gauteng, South Africa ay kilalang kilala para sa kamangha-manghang venue ng kasal.
Ang lugar ay bahagi ng Cradle of Humankind World Heritage Site at matatagpuan sa Crocodile River.
Ang isa sa pinakatanyag na lugar ng kasal sa Muldersdrift ay ang Moors Castle.
Ang venue ay ganap na off-grid at tumatakbo sa solar power.
Ang supply ng tubig ay sa pamamagitan ng isang borehole at ang bubong ay dinisenyo upang makakuha ng tubig-ulan na nasasala sa gusali.
Ang kastilyo ay may kasamang isang outdoor ampitheater at nag-aalok ng mga wedding pagkages pati na rin conference accommodation at live shows.
Ayon sa sabi-sabi may mga anino daw na umaaligid sa kakahuyan na nakapaligid sa castle.
Isang pangkat ng paranormal ang nagsiyasat at nakatagpo ng babaeng nakadamit itim sa panahon ng Victorian era habang sinusundan nila ang hiyawan na nagmumula sa kalapit na ilog.
Sinabi din ng alamat na ang lugar ng Moors Castle ay dating isang lugar ng mga ritwal na naghihikayat sa pagpapagaling at isang babaeng ahas ang lumilitaw sa ilog.
Death Valley
Ang Death Valley sa Eastern California ay isa sa pinakamainit na lugar sa buong mundo. Ang Death Valley National Park ay pasok sa border nito at napapaligiran ng mga bundok.
Death Valley
Ang Death Valley sa Eastern California ay isa sa pinakamainit na lugar sa buong mundo. Ang Death Valley National Park ay pasok sa border nito at napapaligiran ng mga bundok.
Isang popular outdoor wedding venue na tinatawag na The Oasis na matatagpuan sa Death Valley na nagtatampok ng isang makasaysayang inn at marangyang lugar.
Ang Death Valley ay lugar ng maraming mga paranormal na kaganapan. Maraming mga ghost towns sa valley at ayon sa alamat ilang labi ng mga minero ang nandoon.
Sinasabing ang multo ni Joe Simpson ay gumagala sa Death Valley at ang putok ng baril na pumatay sa kanya ay tumutunog taun-taon sa anibersaryo ng kanyang kamatayan.
Ang Amargosa Opera House at Hotel ay sinasabing isa sa mga pinaka-haunted na hotels sa lugar.
Iniulat ng mga panauhin na nakakarinig sila ng mga tinig ng mga bata at nakakakita sila ng mga lumilipad na bagay sa loob ng hotel.
Sa opera house daw ay may multong pusa at may makakaramdam ka na may nagpaparty na walng tigil at pabalik-balik lang.
Sa Death Valley mo rin daw makikita ang multo ni Walter Scott at ang kanyang aso sa kanyang mansyon na kilala bilang Scotty's Castle.
Si Scott ay nakita na nakaupo sa fireplace habang ang kanyang aso ay kinakagat ang mga binti ng mga panauhin.
Ayon sa mga guests ng mansion nakaranas daw sila ng panick attack sa lugar at nawawala naman matapos nilang lisanin ang lugar.
Dracula’s Castle
Ang history ng Bran Castle o Dracula's Castle ay naka-link sa Vlad the Impaler na nagbigay inspirasyon sa nobela ng Dracula ng Bram Stoker.
Dracula’s Castle
Ang history ng Bran Castle o Dracula's Castle ay naka-link sa Vlad the Impaler na nagbigay inspirasyon sa nobela ng Dracula ng Bram Stoker.
Matatagpuan ang kastilyo sa Transylvania at napapabalitang si Vlad ay tumira daw dito at inatake ang lugar.
Ito ay dating tahanan ng Queen Marie ng Romania na gustung-gusto ang kapayapaan at tahimik na inaalok ng lugar.
Matapos siyang mamatay ang kanyang puso ay inilibing sa fireplace. Ang kanyang multo ay nananatili dito, naglalakad pataas at pababa sa mga hardin.
Ang kastilyo ay isa ring lugar ng kasal at ang mga seremonya ay maaaring ganapin sa loob ng piitan.
Pinaniniwalaan din na ang mga multo mula panahon ng medieval ay sumasagi sa kastilyo at tinatakot ang mga kalapit na village.
Mayroon ding mga kwento ng poltergeist at demonic possession na nangyari sa castle.
Ang ilan ay naniniwala rin na ang multo ni Vlad ay naninirahan pa sa lugar, na nagpapatuloy ng kanyang paghahasik ng lagim.
Q Station
Sa North Head sa Sydney, Australia, matatagpuan ang Q Station. Ang hotel at venue ng kasal na ito ay nag-aalok ng heritage halls upang magdaos ng mga seremonya at ang ilan sa mga lokasyon nito ay matatanaw mo ang Sydney Harbour at Quarantine Beach.
Q Station
Sa North Head sa Sydney, Australia, matatagpuan ang Q Station. Ang hotel at venue ng kasal na ito ay nag-aalok ng heritage halls upang magdaos ng mga seremonya at ang ilan sa mga lokasyon nito ay matatanaw mo ang Sydney Harbour at Quarantine Beach.
Ang Q Station ay dalahan ng mga pasyente na maaring kinapitan ng sakit na dala ng barko sa pagitan ng 1832 at 1984.
Ang mga pasyente ay pakakawalan lamang kapag itinuturing na hindi na nakakahawa. Marami ang namatay dito sa Spanish flu, typhoid, small-pox at scarlet fever.
Sa mga nakaraang taon ang Q Station ay nakakuha ng reputasyon bilang isa sa mga pinaka-haunted na mga site sa Australia.
Ang mga bisita dito ay iniulat na nakikita ang isang lalaki suot ang Fedora hat na may hawak ng kamay ng isang bata.
Ang lalaki ay nahuli din sa camera sa loob ng isa sa mga lumang shower cubicle. Ang ilan ay nakarinig ng mga tinig na nagtatanong: 'bakit ka narito?'.
Ang iba naman ay nakuhanan ng litrato ng mga multo na nagsasara ng mga pintuan sa loob ng gusali.
Ang ilang mga turista ay nakakaramdam ng pananakit ng katawan at nasusuka habang naglalakad sa paligid ng gusali habang ang iba ay nakakaamoy ng pabango mula sa isang hindi nakikitang tao.
Mayroon ding mga ulat tungkol sa isang mortician na naglalakad sa bakuran ng Q Station at isang nars na tinawag na Matron na nagpapatrolya sa lumang ospital.
No comments:
Post a Comment