Friday, September 4, 2020

Ahas Nakuha Mula sa Bibig ng Babae



Kuha sa video ang pag-alis sa isang 4-ft na ahos mula sa bibig ng isang babae.
Ang ahas ay tila pumasok sa kanyang bibig habang natutulog siya sa bakuran ng kanyang tahanan sa nayon ng Levashi sa Dagestan. Ang ganitong pangyayari ay mistulang parang bangungot kung iisipin.
Isinugod sa hospital ang babae ng makaramdam ng kakaiba sa katawan at isinailalim sa anesthesia. Nag-viral ang balita matapos lumabas sa internet ang video ng isang doktor na naglabas ng ahas mula sa loob ng kanyang katawan.
Ipinapakita ng video clip ang isang doktor na nakasuot ng guwantes na tinatanggal ang ahas sa pamamagitan ng pagpasok ng isang tubo sa loob ng bibig ng babae. Makikita ang isang babae na kinukuha ang ahas at kinikilabutan ang ekspresyon sa kanyang mukha habang ang reptilya ay nakuha mula sa bibig ng babae. Matapos hilahin ng babae ang reptilya, makikitang iniligay ito sa isang timba. Ang mga medikal na propesyonal na nakatayo sa silid ay maririnig na sumisigaw at naghihiyawan.

No comments:

Post a Comment